Georgina Wilson, Ibinahagi ang larawan ng kaniyang newborn baby girl na si Charlotte Arabella

Tuwang-tuwa ang mga netizens nang makita ang nakapa-cute na anak ng modelo na si Georgina Wilson. Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi niya ang ilang larawan ng kaniyang new-born baby girl na binigyan nila ng pangalang Charlotte Arabella.


Image source: Instagram/ilovegeorgina

Sa isang polariod picture nga ay makikitang kasama nito ang dalawa niyang kuya na sina Archie at Alfie na talaga namang masaya sa pagdating ng kanilang little sister. Sa katunayan, ngayon pa lang ay nakikipaglaro na ang mga ito kay Arabella at tiyak na magiging mabuting kuya sila sa napaka-ganda nilang kapatid.


Image source: Instagram/ilovegeorgina


Image source: Instagram/ilovegeorgina

Samantala, dream-come-true naman ito para sa 34-year old businesswoman dahil matapos ang pagkakaroon ng dalawang sunod-sunod na lalaking anak ay gusto niya ring magkaroon ng mini-me.


Image source: Instagram/ilovegeorgina

Super happy nga siya dahil makalipas lang ang dalawang taon ay pinagbigyan rin ang kaniyang panalangin at nagsilang ng isang heathy baby girl.


Image source: Instagram/ilovegeorgina


Image source: Instagram/ilovegeorgina

Marami naman ang nakapansin na kahawig niya ang mga mata ni Arabella at hindi na nga halos makapaghintay ang ilan sa mga netizens na lumaki ito at makipagsabayan sa kaniyang ina pagdating sa pagmomodelo. Kaliwa’t kanan rin ang mga magagandang mensahe at pagbati na natanggap ng mag-ina mula sa kanilang mga kaibigan at tagahanga.


Image source: Instagram/ilovegeorgina


Image source: Instagram/ilovegeorgina

Sa ngayon ay sa ibang bansa pa rin naninirahan si Georgina kasama ang kaniyang asawa na si Arthur Burnand at kanilang mga anak. Doon na rin ipinanganak ang kanilang unica-hija na si Charlotte Arabella noong nakaraang buwan April 5,2021.


Image source: Instagram/ilovegeorgina

Samantala, gusto ni Georgina na hands-on siya sa pagpapalaki ng kaniyang mga anak kahit na mayroon silang kasama sa bahay.


Image source: Instagram/ilovegeorgina

Kaya naman kahit na abala sa kaniyang trabaho bilang isang modelo at Sunnies Face business ay naglalaan pa rin ito ng mahabang oras para matutukan ang pag-aalaga at pagtuturo sa kanila. Sa katunayan, ang panganay niyang anak ay kinakitaan niya ng pagkahilig sa mathematics kagaya niya noong siya ay bata pa.


Image source: Instagram/ilovegeorgina


Image source: Instagram/ilovegeorgina

Congratulations sayo Mommy Georgina! Hindi nga maikakaila na isa kang beauty and brain Momma dahil kahit kakapanganak pa lang ay blooming na blooming ka pa rin at hands-on pa sa career at successful business.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *