Napakahirap nga naman ang mag celebrate ng mga okasyon lalo na ngayong pandemya dahil na rin sa iba’t ibang protokol ng ating gobyerno patungkol sa pagkakaroon ng gatherings. Subalit para sa singer at dating aktres na si Geneva Cruz, hindi naging hadlang na ipagdiwang ang kaarawan ng kaniyang anak dahil isa ito sa importanteng buhay ng bata.
Image source: Instagram/genevacruzofficial
Image source: Instagram/genevacruzofficial
Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi niya ang ilang larawan mula sa simpleng 7th birthday celebration ng kaniyang unica-hija na si London.
Image source: Instagram/genevacruzofficial
Makikita sa mga larawan na nag-enjoy ang anak sa inihandang surpresa ng kaniyang ina at kahit nga sa bahay lamang ginawa ang celebrasyon ay siniguro ni Geneva na magiging bongga pa rin ang dating nito. Sa tulong ng kaniyang kaibigan na si Diane Medina ay naisakatuparan niya ang gusto ni London na magkaroon ng pony-themed birthday party.
Image source: Instagram/genevacruzofficial
Image source: Instagram/genevacruzofficial
Para naman sa mga decoration at party setup ay humingi siya ng tulong sa Party bitz and pieces kaya naman achieve na achieve ang party na gusto ng kaniyang anak kahit na sa bahay lamang ito ginanap. Ibinahagi niya ang ilang mga larawan ng birthday party ni London na may kasamang inspiring and sweet message para sakaniya
.
Image source: Instagram/genevacruzofficial
Image source: Instagram/genevacruzofficial
“Happy 7th Birthday, London. Baby Girl, mama and I raised you to be kind and compassionate, tough yet sweet, intelligent and strong willed, feminine yet athletic, talented, feisty, creative and super funny. And I think we did an excellent job in fulfilling those attributes as you are glowing every single day. You are the reason why I stay young in all aspects of life. I love you and your big brother more than life itself, both of you are my “greatest blessing” from aboce! Thank you, Princess London, for making me a mother again on Mother’s Day of 2014!”
Image source: Instagram/genevacruzofficial
Samantala, hindi naman maiwasang maging emosyunal ng aktres dahil nami-miss niya ang kaniyang Mama na siyang naging katuwang niya sa pagpapalaki kay London.
Image source: Instagram/genevacruzofficial
Sa kaniya ngang caption ay proud na proud siya dahil nagbunga ang lahat ng paghihirap nila ng kaniyang ina para mapalaki ang anak bilang isang bata na mabait, matalino at marunong makipag-kapwa tao.
Image source: Instagram/genevacruzofficial
Hindi man kasama nina Geneva ang kaniyang Ina ay masaya siya na ang ilang mahal niya sa buhay ay naroroon para i-celebrate ang kaarawan ng kaniyang anak.
Image source: Instagram/genevacruzofficial
Lubos ring nagpasalamat ang aktres sa anak dahil siya ang isa sa mga inspirasyon niya para magpatuloy sa buhay at mas lalong pagbutihin ang lahat ng kaniyang ginagawa ito man ay bilang ina o bilang isang artista. Masayang-masaya nga si Geneva dahil nasubaybayan niya ang paglaki ni London at alam niya na lalaki itong isang mabuting tao.
Image source: Instagram/genevacruzofficial
Tunay ngang lahat ay gagawin ng isang magulang para lang mapasaya ang kaniyang mga anak at tulad ni Geneva, na isang single-parent ay hindi naging hadlang ang kaniyang sitwasyon para maging isang mabuting ina kay London at Heaven.