Tuwang-tuwa ang aktres na si Gabbi Garcia dahil muli niyang nakita ang kaniyang childhood pictures noon habang kasalukuyang inaayos ang kaniyang mga kagamitan sa bahay. Sa sobrang tuwa nga nito ay agad naman niyang ibinahagi sa kaniyang Instagram account ang mga litratong ito upang i-share sa kaniyang fans ang old photos nito.
Image source: Youtube/Gabbi Garcia
Sobrang cute at chubby pala ng aktres noong bata pa lamang siya na tila ba parang longganisa ang mga braso nito sa sobrang taba. Ayon sa aktres, mahilig talaga siya sa pagkain noon pa man kaya ganito na lamang siya kalusog noon.
Image source: Youtube/Gabbi Garcia
Image source: Instagram/Gabbi
Samantala, marami naman ang nakapansin na competitive si Gabbi bilang isang bata at kitang-kita ito sa iba’t ibang costumes na suot niya. Aminado ang aktres na talagang bida-bida siya noon at gusto niyang subukan lahat ng mga school activities. Consistent honor student din si Gabbi at siya mismo ang nagbibigay ng challenge sa sarili para mas lalo pang pagbutihin ang kaniyang pag-aaral.
Image source: Instagram/Gabbi
Sa isang picture naman ng kaniyang modeling days ay sinabi ng mga netizens na para siyang tipikal na bata na pinipilit ng mga magulang na mag-pose sa harap ng camera. Ngunit hindi ganito ang nangyari at ayon sa aktres siya mismo ang gumagawa ng sarili niyang pose at hindi siya pinipilit ng kaniyang mga magulang.
Image source: Instagram/Gabbi
“My mom and dad never forced me, it was just me naturally posing and me wanting to be a model.”, paglilinaw ni Gabbi.
Image source: Instagram/Vincepenalopez
Sobra nga siyang nagpapasalamat dahil napaka-supportive ng mga ito sa gusto niyang gawin tulad nalang ng pag-audition sa napakaraming modeling agencies kahit na wala pa siyang natatanggap na talent fee.
Image source: Instagram/vincepenalopez
Ibinahagi rin ni Gabbi na mayroong pagkakataon na ang Daddy niya mismo ang nag-make up sa kaniya dahil nagtatrabaho ang kaniyang Mommy bilang isang flight attendant. Tuwang-tuwa nga ang aktres dahil ang kaniyang Daddy ang nag-iisang lalaki sa backstage na gumagawa ng kaniyang make up at hindi niya ito kinakahiya.
Image source: Instagram/Gabbi
“He would do my makeup, as in, nilalagyan niya ako ng nose line,” pagbabahagi ng aktres.
Image source: Instagram/Vincepenalopez
Naalala din ni Gabbi na kahit ang mahal ng mga pambatang accessories noon ay kumpleto siya nito dahil sa kaniyang Daddy na mahilig sa crafts. Bumibili ito ng mga beads at siya mismo ang gumagawa ng mga kwintas at bracelet para sa kaniya.
Image source: Instagram/Gabbi
Marami nga silang bonding moments noon ng kaniyang Ama at isa na ito sa pagsama raw nito sa lahat ng kaniyang mga projects sa industriya. Daddy’s girl daw talaga si Gabbi kaya sobrang lapit niya sa kaniyang Ama at malaki ang respeto niya dito kaya lahat ng bilin nito ay kaniyang sinusunod.