Gabbi Garcia, nagtayo rin ng kaniyang community pantry para makatulong sa mga nangangailangan

Sikat ngayon ang tinatawag na “community pantry” at layunin nito na matulungan ang mga kababayan nating nahihirapan sa buhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng pagkain at iba pang pangunahing pangangailan sa araw-araw.

Nagsimula ang ideyang ito sa netizen na si Anna Patricia Non at siya mismo ang nagtayo ng kauna-unahang community pantry sa Maginhawa, Quezon City na talaga namang dinagsa ng maraming tao. Ang ilan sa kanila ay mula pa sa malalayong lugar at walang ibang hangad kundi ang makahanap ng pagkain na maiuuwi nila sa kanilang pamilya.


Image source: Instagram/gabbi

Simula nang maging viral ito sa social media ay sunod-sunod na rin ang mabubuting puso na nakiisa sa ganitong gawain kaya naman halos lahat ng barangay sa ating bansa ay mayroon ng community pantry station. Hindi rin nagpahuli ang mga kilalang personalidad sa ating lipunan at agad na nagpahatid ng tulong kagaya na lang ng aktres na si Gabbi Garcia.


Image source: Instagram/gabbi

“Posting this with nothing but pure and good intentions. This is to inspire everyone that despite of the situation, we can all help each other in our own little way. Thank you to our small community for making this possible! Thank you also to everyone who stopped by to drop their donations. May God Bless you more!

To all the community pantries, SALAMAT SAINYO! Keep going! God bless your pure hearts! Tayo tayo ang magtulungan.”


Image source: Instagram/gabbi

Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi nito ang itinayo niyang community pantry sa kanilang barangay na matatagpuan sa BF Northwest ParaƱaque City. Nakipagtulungan si Gabbi sa kawani ng kanilang lugar upang maging maayos ang gagawin niyang pagtulong at maiwasan ang pagkakagulo ng mga tao.


Image source: Instagram/gabbi

Makikita dito ang ilang grocery items kagaya ng bigas, gulay at iba pang mga kailangan ng isang pamilya. Ito kasi ang pangunahing mga pagkain na maaaring lutuin ng isang mamamayan kaya naman mas mainam na mga gulay at bigas ang kanilang ipinamamahagi.


Image source: Instagram/gabbi


Image source: Instagram/gabbi

Image source: Instagram/gabbiImage source: Instagram/gabbiMaraming netizens ang natuwa sa ginawa ng aktres at ang ilan sa kanila ay sinuportahan si Gabbi sa kaniyang community pantry movement.


Image source: Instagram/gabbi

May mga nagpadala nga ng dagdag na grocery items kaya naman mas marami pa ang natulungan niya sa kanilang komunidad.


Image source: Instagram/gabbi

Lubos namang nagpasalamat si Gabbi sa mga tumulong para maging successful ang kaniyang hangarin na makiisa sa pagbabahagi ng tulong sa kanilang barangay.


Image source: Instagram/gabbi

Nilinaw rin ng aktres na wala siyang ibang intensiyon sa ginawa niyang social media post kundi ang maka-inspire pa ng ibang netizens na tumulong sa kapwa kahit sa simpleng paraan kagaya ng pakikibahagi sa community pantry.


Image source: Instagram/gabbi

Talaga namang nagiging magaan ang pagsubok na pinagdadaanan kung tayo ay sama-sama at nagtutulungan kagaya na lang ng pakikiisa sa community pantry movement na isang uri ng makabagong bayanihan ng mga Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *