Gabbi Garcia, Ipinasilip ang kaniyang bagong bili na personal car na matagal na niyang pinapangarap

Hindi naging madali para kaya Gabbi Garcia na makamit ang lahat ng kaniyang mga pangarap sa buhay sapagkat katulad rin ng ibang aktres ay talagang nagsimula rin ito sa mga maliit na proyekto bago pa man tuluyang makilala sa industriya. Kaya naman ang pagbili niya ng bagong sasakyan ay talaga namang achievement unlocked para kay Gabbi sapagkat matagal na panahon rin ang kaniyang inantay bago ito maging kaniya.


Image source: Instagram/gabbi


Image source: Instagram/gabbi

Sa kaniyang Youtube channel ay ibinahagi ng 22-taong gulang na aktres ang ilang proseso kung papaano niya napili ang sasakyan na saktong-sakto sa kaniyang pangangailangan. Sa tulong ng kaniyang Ama at kasintahang si Khalil Ramos ay naiuwi niya ang Subaru XV na siyang bumihag sa kaniyang puso matapos pagpilian ang iba pang magagandang sasakyan kagaya ng Mercedes-Benz GLA, Lexus UX, Honda CRV at Subaru Forester.


Image source: Instagram/gabbi

Para kay Gabbi, meant-to-be sila ng kotseng ito dahil tamang-tama lang ito sa kaniyang height at gustong-gusto niya ang mga features nito kagaya na lamang ng “eye sight assist” na nagsisilbing pangalawang mata ng driver sa kalsada.


Image source: Instagram/gabbi

Gamit ito ay kusang titigil ang kotse kapag mayroon siyang na-detect na tao o iba pang sasakyan malapit sa kaniyang harapan upang maiwasan ang pagkakaroon ng disgrasya sa kalsada.


Image source: Instagram/gabbi

Samantala, hindi ito ang kauna-unahang pagbili ni Gabbi ng sasakyan at sa katunayan ay nakabili na siya noon ng family car at sariling van na katas ng kaniyang pagtatrabaho bilang artista.


Image source: Instagram/gabbi

Ngunit mas espesyal sa kaniya ang pagkakataong ito dahil katas ito ng bago niyang prokeyto at hinayaan lang siya ng kaniyang mga magulang sa pagdedesisyon kung anong uri ng sasakyan ang kukunin at kung babayaran niya ba ito ng cash o hulugan. Malaking achievement ito kay Gabbi dahil medyo may kamahalan ang presyo ng kaniyang napiling sasakyan bilang kaniyang private car na siya lamang ang gagamit.


Image source: Instagram/gabbi

Sa ngayon ay hindi na muna si Gabbi ang nag-drive ng Subaru XV pauwi sa kanilang bahay dahil hindi pa siya pinayagan ng kaniyang Ama kahit na mayroon na siyang lisensiya at marunong na mag-drive.


Image source: Instagram/gabbi

Ayon pa sa aktres marami pa siyang dapat ipasa sa driving lessons na inilatag ng kaniyang Ama lalo na at gusto lang nito na maging ligtas siya sa daan sa tuwing bumabyahe mag-isa.


Image source: Instagram/gabbi

Binigyan ni Gabbi ng pangalang “Millie” ang kaniyang kotse na Subaru XV dahil katunog ito ng pangalan ng kaniyang endorsement na isang healthy drink.


Image source: Instagram/gabbi

Noong una ay nagdadalawang-isip si Gabbi na mag-vlog patungkol sa bago niyang achievement ngunit dahil na rin sa kaniyang ever-supportive boyfriend na si Khalil ay nagdesisyon siyang ibahagi ito sa kaniyang mga taga-hanga bilang inspirasyon sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. Abot tenga ang ngiti ni Gabbi at tila ba kinikilig sapagkat nakuha na niya ang kaniyang pinapangarap na sasakyan.


Image source: Instagram/gabbi

Sa huli ay nagbigay rin siya ng payo na hindi masama ang pagbibigay natin ng regalo sa sarili lalo na kung deserving naman tayo para dito subalit kailangan nating pag-isipan kung worth it ba ang mga bagay na ating binibili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *