Maganda, mestiza at magaling na artista, ilan lamang ito sa mga katangiang tumatak sa mga fans ni Vanna Garcia simula ng pumasok ito sa industriya ng showbiz. Ipinanganak siya noong ika-21 ng Marso taong 1987 at sa murang edad ay sumabak na agad sa mundo ng show business.
Image courtesy: Instagram/vanna_garcia
Una siyang nakilala sa GMA 7 show na T.G.I.F o ‘Thanks God It’s Friday’ kung saan kasama niya ang ilan pang ngayo’y batikang aktres na sina Anne Curtis at Angelu de Leon.
Image courtesy: Instagram/vanna_garcia
Image courtesy: Instagram/vanna_garcia
Masasabing makulay at matagumpay nga ang naging karera ni Vanna kaya naman laking gulat ng marami nang bigla nalang niyang nilisan ang pag-aartista. Ayon sa balita, habang nagtatrabaho noon ay sumasaglit siya sa pag-aaral ng kursong may kinalaman sa “interior design” at hindi inaasahang siya ay mabubuntis sa edad na 20-taong gulang.
Image courtesy: Instagram/vanna_garcia
Samantala, nang matapos niya ang pag-aaral ay doon na siya nagdesisyon na tumigil sa showbiz at pagtuunan ng pansin ang kaniyang lumalaking pamilya.
Image courtesy: Instagram/vanna_garcia
“After I had my second child at around 23 or 24, I said that I needed time off for my family. Show business has a very erratic schedule, so I studied. I took up interior design, and then after that I quit show business”, pahayag nito sa isang interview.
Image courtesy: Instagram/vanna_garcia
Umalis man sa mundo na kaniyang nakasanayan ay lalo naman niyang napatunayan na marami pa pala siyang kayang gawin. Matapos malaman na hindi makapagbibigay ng magandang kita ang trabaho bilang “interior designer” noong mga panahon na yun, nagdesisyon siyang magtayo ng beauty clinic dahil sa hilig nito sa pagpapaganda na nais niyang ibahagi sa iba.
Image courtesy: Instagram/vanna_garcia
Isang aesthetic clinic ang kaniyang pinursige na itayo sapagkat nagsisimula ng pumatok noon ang mga beauty spa sa bansa. Isang bagay kung bakit madali itong nakapagtayo ng isang clinic ay dahil isang doktor ang kaniyang cousin-in-law na siyang naging gabay sa pagbukas ng kaniyang negosyo.
Image courtesy: Instagram/vanna_garcia
Kaya kahit may tatlong anak na ang aktres ay tila hindi pa rin nagbabago ang kaniyang ganda sapagkat napanatili nito ang kaniyang fresh looking skin dahil na rin sa kaniyang negosyo.
Image courtesy: Instagram/vanna_garcia
Image courtesy: Instagram/vanna_garcia
Hindi man nagtagal bilang artista ay patuloy pa ring hinahangaan si Vanna Garcia dahil sa pagiging isang mabuting ehemplo nito lalo na at napagsasabay niya ang pagiging isang mabuting asawa, ina sa tatlong anak na lalaki at maliban dito ay ang pagiging CEO sa sariling negosyo.