Maganda ang pagsalubong ng taong 2021 ng dating PBB Alumni na si Fourth Solomon at ng modelo nitong asawa na si Grizelle Gratela dahil maagang ipinagkaloob sa kanila ang hiling na magkaroon ng anak.
Image source: Instagram/fourthsolomon
Matatandaang noong nakaraang taon ay ikinasal ang dalawa sa kabila ng pagkakaroon ng pandemiya. Upang masiguro nga ang kaligtasan ng lahat ay hanggang 30-katao lang ang imbitado sa kanilang intimate garden wedding na ginanap sa Las Casas, Quezon City.
Image source: Instagram/fourthsolomon
Matagal nang naka-schedule ang kanilang pag-iisang dibdib ngunit naurong ito ng August 27 dahil sa ipinatupad na GCQ. Ayon kay Grizelle, isa sa mga dahilan kung bakit itinuloy nila ang kasal ay ang kagustuhan niyang magkaroon ng anak at kung aantayin nila na matapos ang pandemiya bago magpakasal ay tiyak na matatagalan pa iyon.
Image source: Instagram/fourthsolomon
“We realized that we can’t wait for everything to settle down because it might take years… we can’t wait much longer so we decided to plan this simple, intimate civil wedding with 30 of our close loved ones, pagbabahagi ni Grizelle sa kaniyang Instagram account.
Image source: Instagram/grizellegratela
Malaking biyaya na maituturing ng dalawa ang agarang pagsagot sa kanilang panalangin dahil makalipas lamang ang humigi’t kumulang na isang buwan ay nabiyayaan kaagad sila ng supling. Noong nakaraang buwan lamang ng Setyembre ay ibinagi ni Fourth ang isang larawan hawak ang sonogram ng anak nila ni Grizelle. Ito ay isang “baby boy” at binigyan nila ng pangalang Robert Gavin.
Image source: Instagram/fourthsolomon
Image source: Instagram/fourthsolomon
Hindi nga maitago ng dalawa ang pananabik na makita ang anak at sa kani-kanilang Instagram account ay ibinahagi nila sa mga fans ang unti-unting paglaki nito habang nasa sinapupunan ng ina.
Image source: Instagram/grizellegratela
Maganda at naging maayos naman ang pagbubuntis ni Grizelle at lubos siyang nagpapasalamat sa asawa dahil sa pag-aasikaso nito upang mabigyan siya ng masustansiyang pagkain.
Image source: Instagram/grizellegratela
“So far this pregnancy has been so amazing. Thank you babe @fourthsolomon for making it easy and for always feeding me…” kwento ni Grizelle.
Image source: Instagram/grizellegratela
Tatlong buwan nalang at inaasahan na ang panganganak ni Grizelle at ngayon niya napagtanto na iba talaga ang pakiramdam kapag ikaw ay isa ng magulang. May halong kaba at excitement ang nararamdaman ng dalawa lalo na at malapit na silang maging ganap na magulang.
Image source: Instagram/grizellegratela
“Never thought that I’d be at this point in my life na sobrang happy and contented. Dati, masaya ako basta nakakatravel kami ni @fourthsolomon, nakakain ng masarap na food, pero iba pala ‘yung happiness na mararamdaman mo pag magstart ka na ng family.”, dagdag pa ni Grizelle.
Congratulations sa inyo Fourth and Grizelle!