Morena, nakakaakit na mga mata at balingkinitang katawan ang tumatak sa karamihan sa tuwing nababanggit ang pangalan ng aktres na si Ana Capri o di kaya naman ay Ynfane Avanica sa totoo niyang pangalan. Nag-umpisa siya sa mundo ng showbiz noong 90’s at mas nakilala sa kaniyang pagganap sa mga daring na palabas. Ilan lamang sa mga ito ay ang “Nag-iinit na Damdamin”, “Virgin People 2” at “Pila Balde”.
Image source: Instagram/the_anacapri
Image source: Instagram/the_anacapri
Hindi na nga halos mabilang ang mga pelikulang ginawa ni Ana Capri at pinatunayan niyang kahit anong papel ay kaya niyang gampanan, ito man ay drama o di kaya naman ay pang-komedya. Sa katunayan kinilala ang kaniyang talento noong taong 2017 at nakatanggap ng award na Movie Supporting Actress of the Year sa kaniyang pelikula na “Laut”. Maliban pa dito ang kaniyang mga Best Actress award noong taong 1999 at 2005.
Image source: Instagram/the_anacapri
Image source: Instagram/the_anacapri
Lubos ang pamamayagpag ng kaniyang karera bilang aktres at naging masaya rin ang relasyon sa kaniyang banyagang boyfriend na si Dave, isang Australian businessman na nagtatrabaho sa gas firm. Matapos ang mahigit tatlong taon nilang pagsasama ay nagdesisyon ang dalawa na magpakasal noong taong 2019 na siya namang sinundan ng pagdadalantao ng aktres.
Image source: Instagram/the_anacapri
“Calling ni God. We finally found each other and we realized that it’s time for us to start a next major journey in our relationship.”, pahayag ng noo’y 31-taong gulang na aktres nang tanungin kung bakit sila nagdesisyong magpakasal.
Image source: Instagram/the_anacapri
Sa ngayon ay malayo na ang buhay ni Ana Capri kumpara sa makulay at maingay na mundo ng showbiz. Mas pinili niyang iwanan ang propesyon upang matutukan ang kaniyang pamilya lalo na ngayon at isa na siyang Ina sa napaka-cute na baby boy.
Image source: Instagram/the_anacapri
Image source: Instagram/the_anacapri
“Acting is a big part of me. That is who I am. I believed I have worked my way that I established myself well enough to be able to have time for a new chapter naman in my life.”, dagdag pa nito.
Image source: Instagram/the_anacapri
Nagdesisyon siyang talikuran ang industriya upang maging hands on sa kaniyang pamilya. Nilisan niya ang kaniyang daring roles sa kaniyang showbiz career at nagsimulang muli kasama ang kaniyang anak at asawa.
Image source: Instagram/the_anacapri
Marami ang nalungkot nang malamang ang naging desisyon ng aktres ngunit sa kabilang banda ay pinili na rin nilang maging masaya para sa kanilang idolo. Ikaw anong masasabi mo patungkol dito?