Madalas iniisip ng karamihan sa atin na ang pagpasok sa mundo ng show business at ang pagiging isang ganap na artista ay siyang makapagbibigay sa atin ng mga bagay na hinahangad natin sa buhay kagaya na lamang ng karangyaan at kaligayahan.
Image source: Instagram/Roxanneguinoo
Hindi naman masama ang bagay na ito at sa katunayan ay marami sa ating mga kababayan ang nakaahon sa hirap ng buhay dahil sa pagpupursigi nilang maabot ang pangarap bilang artista. Isa na nga dito ang dating aktres at ‘Star Circle Quest’ contestant na si Roxanne Guinoo.
Image source: Instagram/Roxanneguinoo
Maganda ang naging estado ng karera ni Roxanne sa industriya mula ng makilala siya ngunit mas pinili niyang talikuran ang showbiz matapos ikasal sa kaniyang asawa na si Angelo Elton Yap, isang Filipino-Chinese businessman noong 2007.
Image source: Instagram/Roxanneguinoo
Nagkaroon nga sila ng dalawang anak na babae at isang anak na lalaki kung saan hands-on mom naman ang dating aktres sa pag-aalaga sa mga ito lalo pa at gusto niya na nasusubaybayan ang mga anak habang sila ay lumalaki.
Image source: Instagram/Roxanneguinoo
Kapansin-pansin rin na mas lalo pang gumaganda si Roxanne sa paglipas ng panahon at kung hindi mo nga siya kilala ay mapagkakamalan pa rin na isa siyang dalaga. Marahil ay dala na rin ito ng walang kapantay na kaligayahang nadarama kapag kasama ang kaniyang pamilya.
Image source: Instagram/Roxanneguinoo
Makikita rin sa kaniyang mga social meda posts na madalas silang mag-travel sa magagandang lugar sa loob at labas ng bansa bilang isang pamilya at isa ito sa talaga namang nagiging daan para mas lalo silang maging malapit sa isa’t isa.
Image source: Instagram/Roxanneguinoo
Todo suporta rin si Roxanne sa kaniyang mga anak kung saan sinasamahan pa niya ang mga ito sa fieldtrip ng mga bata pati na rin sa kanilang mga school events.
Image source: Instagram/Roxanneguinoo
Ang ilan nga sa mga netizens ay hindi mapigilang mag-komento at nasabing buhay reyna na ngayong ang dating prinsesa na lagi nilang napapanood sa telebisyon.
Image source: Instagram/Roxanneguinoo
May iilan pa rin itong mga proyekto na tinatanggap sa industriya subalit hindi na rin ito gaanong lumalabas sa ilang mga shows and guesting dahil busy na rin si Roxanne sa kaniyang mga anak.
Image source: Instagram/Roxanneguinoo
Pero nananatili pa rin na glowing ang aktres at para bang hindi ito tumatanda sa kaniyang itsura dahil ang ganda pa rin ng hubog ng kaniyang pangangatawan at young-looking pa rin ang kaniyang itsura.
Image source: Instagram/Roxanneguinoo
Image source: Instagram/Roxanneguinoo
Talaga namang wala ng makahihigit pa sa ligaya na dala ng isang pamilya. Kaya naman, hindi nakakapagtaka na kahit sikat na mga artista ay kayang iwanan ang makinang na pangalan sa mundo ng showbiz at piliing makasama ang pamilya sa halos lahat ng pagkakataon.