Nakilala sa paggawa ng mga “daring roles” noong 90’s ang dating sikat na aktres na si Amanda Page. Ilan lamang sa kaniyang mga ginawang pelikula na talaga namang inabangan ng mga manonood ay ang “Gayuma” at “Tatsulok”. Inabangan rin ito sa ilang mga comedy films kung saan nakasama niya si Andrew E., Elizabeth Ramsey at Chiquito.
Image source: Instagram/therealamandapage
Lumaki si Amanda sa Amerika ngunit sa kabila nito ay marunong siyang mag-tagalog dahil ang kaniyang mga magulang ay parehong Pilipino kaya naman naisabak agad ito ilang mga proyekto sa showbiz.
Image source: Instagram/therealamandapage
Habang lumalaki ay pakiramdam niya nasasakal siya dahil ang mga magulang niya ang nagdedesisyon para sa kanyang buhay, at hindi siya tinatanong kung anong gusto nitong mangyari sa kaniyang buhay.
Image source: Instagram/therealamandapage
Kaya nang bumalik sila sa Pilipinas ay dito siya nag aral ng kolehiyo at kumuha ng kursong pre-med upang sundan ang yapak ng kaniyang Ama na isang physician at surgeon. Ngunit dahil sa kagustuhang makagawa ng mga bagay na gusto niya ay tumigil ito sa pag-aaral at pinasok ang mundo ng showbiz.
Image source: Instagram/therealamandapage
Noong una ay hindi natanggap ng mga magulang ang kaniyang ginagawa ngunit hindi nagtagal ay sinuportahan na rin siya ng mga ito. Kaya naman marami ang nalungkot ng lisanin ni Amanda ang kinang ng showbiz noong taong 2000.
Image source: Instagram/therealamandapage
Image source: Instagram/therealamandapage
Ayon sa aktres, hindi para sa kaniya ang pag-aartista kaya naman lumuwas siya ng bansa at doon ipinagpatuloy ang buhay kasama ang asawang doktor na si Lee Mendiola. Nagtayo sila ng sariling psychiatry clinic sa Ventura, California at doon ay katuwang siya ng asawa sa pamamalakad ng negosyo. Abala rin si Amanda sa pag-aasikaso ng kanilang anak na lalaki lalo na at naka-homeschool ito.
Image source: Instagram/therealamandapage
Image source: Instagram/therealamandapage
Mas masaya na raw ang kaniyang buhay ngayon bilang isang working mom sa kaniyang anak kahit paminsan minsan ay mahirap sapagkat five days a week itong nasa trabaho. Nabago ang kaniyang buhay simula ng isinilang niya ang kaniyang Baby Mason kaya naman happy and contented na ang aktres kahit hindi na ito bumalik sa industriya.
Image source: Instagram/therealamandapage
Image source: Instagram/therealamandapage
Matagal mang nawala sa bansa ay maluwag pa rin ang pagtanggap niya sa mga kababayan lalo na sa tuwing hihilingin siyang mag-guesting sa mga TV show kagaya ng “Magandang Buhay” at “ASAP” sapagkat marami pa din ang humahanga kay Amanda lalo na ang mga batang 90’s.