Mahigit isang taon ang naging relasyon noon ng aktres na si Empress Shuck sa kasintahan nitong si Vino Guingona matapos nilang malaman na siya ay nagdadalantao na pala sa kaniyang unang anak.
Image courtesy: Instagram/niceprintphoto
Sa murang edad na 22-taong gulang ay isinilang niya ang kanilang anak na si Athalia at noon ay aminado ang aktres na magkahalong emosyon ang kaniyang naramdaman nang malaman na magiging isa na siyang Ina. Nasa kasagsagan kasi siya noon ng kasikatan sa kaniyang karera bilang artista at wala siyang ibang iniisip kung hindi ang magiging kinabukasan ng kaniyang anak.
Image courtesy: Instagram/itsempressita
Image courtesy: Instagram/itsempressita
Sa kabutihang palad ay hindi siya iniwan ni Vino at maging ang pamilya nito ay suportado rin ang kanilang pagsasama kaya naman unti-unting napanatag ang loob ng aktres. Masayang nagsasama ang dalawa at nito lamang nakaraang taon buwan ng Setyembre ay na-surpresa ang aktres nang mag-propose si Vino kasabay ng pagdiriwang nila ng ika-limang taong kaarawan ng kanilang anak.
Image courtesy: Instagram/niceprintphoto
Sa katunayan, ang aktres ang nag-plano ng surpresa sa kaniyang anak ngunit siya pa pala ang na-surpresa sa huli sapagkat isang engagement proposal ang inihanda ni Vino sakaniya.
Image courtesy: Instagram/itsempressita
Abot-langit ang saya ni Empress dahil sa tagal ng kanilang relasyon ay damang-dama niya ang pagmamahal ni Vino para sa kaniya at sa anak nilang si Athalia at nito ngang nakaraang linggo ay ibinahagi nila sa publiko ang ilang paghahanda na ginawa nila para sa nalalapit nilang kasal.
Image courtesy: Instagram/itsempressita
Blooming na blooming ang aktres sa kanilang mga larawan na kinunan ng Nice Print Photography at mala-prinsesa naman ito sa kaniyang napiling mga kasuotan kasama ang matipuno niyang fiancé. Malapit sa karagatan ang naging set-up ng kanilang photoshoot at mas lalo pa itong naging romantiko dahil sa ganda ng sunset at tanawin na nakapaligid dito.
Image courtesy: Instagram/niceprintphoto
Image courtesy: Instagram/niceprintphoto
Samantala, ngayong buwan din ipinagdiwang ng aktres ang kaniyang huling kaarawan bilang single at sa ngayon ay wala pa silang nababanggit patungkol sa detalye ng araw ng kasal.
Image courtesy: Instagram/niceprintphoto
Image courtesy: Instagram/niceprintphoto
Kaya naman isang surprise bridal shower ang inihanda ng kaniyang mga kaibigan kamakailan lamang para sa aktres bago pa man ito ikasal sa kaniyang Fiancee. Laking pasasalamat ni Empress sapagkat naging successful ang party na ito at talaga namang na-surpresa siya ng kaniyang mga kaibigan.
Image courtesy: Instagram/niceprintphoto
Image courtesy: Instagram/niceprintphoto
Hindi ito ineexpect ng aktres kaya naman halos maiyak ito sa tuwa dahil sa ginawa ng kaniyang mga malalapit na kaibigan. Hindi nito inaasahan na ang kaniyang pupuntahang event ay kaniyang mismong bridal shower na pala.
Image courtesy: Instagram/niceprintphoto
“First time ko ma surprise ng ganito! No words can express how i feel! I dont know what i did to deserve this but I just like to thank the Lord for blessing me with these wonderful people! I’ll never forget this day. Thank you for making me feel loved! To all my friends/bridesmaids who didn’t make it, thank you for your gifts and efforts as well,” caption ni Empress sa kaniyang Instagram post.
Image courtesy: Instagram/niceprintphoto
Image courtesy: Instagram/niceprintphoto
Lahat ng pinagdaanan ng aktres ay worth it sapagkat kahit na maaga itong nagkaroon ng anak ay sinigurado pa rin ng Ama ng kaniyang anak na mararamdaman ng aktres ang pangarap ng bawat babae na maikasal.