Ellen Adarna, Ibinahagi ang dahilan kung bakit hindi na siya muling babalik sa showbiz

Mula nang mabalitang nagkaanak na ang 32 anyos na aktres at modelong si Ellen Adarna ay nawala na muna ito sa showbiz at lumisan muna sa industriya. Maging ang ama ng kanyang anak na si John Lloyd Cruz ay hindi rin nakita sa telebisyon sa 2 taon na sila ay nagsama.


Image courtesy: Instagram/maria.elena.adarna
Image courtesy: Instagram/maria.elena.adarna

Ngayon ay magtatalong taong gulang na ang kanilang anak na si Elias Modesto sa July at sa panayam ni Ellen sa isang FB Live interview ng FM Radio na RX93.1 ay sinabi nitong hindi na muna siya babalik sa harap ng camera sa susunod na pitong taon.


Image courtesy: Instagram/maria.elena.adarna


Image courtesy: Instagram/maria.elena.adarna

Nais umano nitong tutukan anak habang siya ay nasa growing stage at asikasuhin ang kanyang sarili lalo na at kakagaling lamang nito sa depression, anxiety at PTSD.


Image courtesy: Instagram/maria.elena.adarna

Sa katunayan ay nanggaling ito sa Bali, Indonesia para sa tinawag nitong mental training bago pa napatupad ang community quarantine sa bansa. Nagtapos ang relasyon ng dating magkasintahan makalipas ang dalawang taong pagsasama, gayunman ay tikom ang bibig ng dalawa tungkol sa nangyari paghihiwalay.


Image courtesy: Instagram/maria.elena.adarna


Image courtesy: Instagram/maria.elena.adarna

Sa kabilang banda, nakabalik si Ellen sa bansa noong ika-17 ng Marso at mula noo’y sumailalim sa self-quarantine ng dalawang linggo. Matapos iyon ay balik ito sa normal na takbo ng kanyang buhay, ang kaibahan lamang ay imbes na tanghali na itong gumising gaya ng nakagawian ay mas maaga na itong magising ngayon kesa sa ibang mga kasama sa bahay.


Image courtesy: Instagram/maria.elena.adarna
Image courtesy: Instagram/maria.elena.adarna

Ang hindi lamang nagbago sa kabila ng lahat ay ang pag-aalaga nito sa anak dahil kahit noong may depresyon ito ay hindi nito napabayaan ni minsan si Elias, sadyang may tila puwang lamang raw ito sa kanyang kalooban noon.


Image courtesy: Instagram/maria.elena.adarna


Image courtesy: Instagram/maria.elena.adarna


Image courtesy: Instagram/maria.elena.adarna

Ngayong mas maayos na ang lagay nito ay mas nakatutok na siya sa anak, gayunman ay sinisiguro niyang may oras rin siya para sa kanyang sarili sa araw-araw. Importante raw ang “me time” ayon rito upang mapanatiling masaya ang isang indibidwal.


Image courtesy: Instagram/maria.elena.adarna


Image courtesy: Instagram/maria.elena.adarna

Ang susunod dapat na hakbang para kay Ellen ay isang post-mental training na aabot ng 100 araw ngunit sa nangyayaring krisis sa buong mundo ay hindi pa tiyak kung maisasagawa nito ang plano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *