Ellen Adarna at Derek Ramsay, ipinagdiwang ang 4th birthday ni Elias sa exclusive kiddie playroom

Para sa ika apat na kaarawan ng anak ni Ellen Adarna na si Elias, nag-celebrate silang pamilya kasama ang kanilang mga close friends at mga batang kaibigan ni Elias sa isang inflatable and kiddie playroom na Kinder City sa isang sikat na ayala mall.


Image courtesy: Instagram/maria.ellen.adarna



Ibinahagi ito mismo ng aktres na si Ellen Adarna sa kaniyang Instagram posts kung saan ipinakita nila ang kanilang simple celebration na talaga namang makikita na enjoy na enjoy si Elias at ang kanilang mga bisita.


Image courtesy: Instagram/maria.ellen.adarna

Exclusive na nirentahan ni Ellen Adarna ang kiddie playroom na ito para sa kaniyang anak upang ganapin doon ang kaniyang 4th birthday. Isang malaking inflatable pool ito na may ball pit area at pretend play area para sa mga kids.


Image courtesy: Instagram/maria.ellen.adarna




Makikita na bukod sa playroom ay mayroon rin na exclusive na nirentahan si Ellen na bubble show at magic show para sa birthday ng kaniyang anak.


Image courtesy: Instagram/maria.ellen.adarna

Carnival theme ang set up ng kaniyang birthday at nakasuot ng Spiderman costume si Elias na ayon kay Ellen ay ito raw ang kaniyang favorite character simula noon palang.




Image courtesy: Instagram/maria.ellen.adarna

Very simple lamang ang kanilang celebration subalit mas nag-enjoy din ang mga adult guests nila dahil nakasubok din silang maglaro sa inflatable playroom na ito. Maging si Derek Ramsay ay sobrang enjoy na makipag bonding sa kaniyang stepson.


Image courtesy: Instagram/maria.ellen.adarna



Image courtesy: Instagram/maria.ellen.adarna

Bukod nga doon ay ibinahagi pa nito mismo ang isang appreciation at birthday message post kay Elias sa kaniyang Instagram account.


Image courtesy: Instagram/maria.ellen.adarna

“Happy Birthday son. Love you so much my little babiguling,” caption ni Derek sa kaniyang post.


Image courtesy: Instagram/maria.ellen.adarna

Very close kasi ang dalawa at talagang tinatrato ni Derek si Elias ng parang kaniyang totoong anak lalo na at sobrang bibo ng batang ito kaya naman tuwang tuwa ang aktor sakaniya. Madalas nga sa kaniyang Instagram posts ay kasama lagi si Elias sa kanilang mga lakad.


Image courtesy: Instagram/maria.ellen.adarna

Talaga namang enjoy silang pamilya sa 4th birthday ni Elias dahil para lamang silang nakipag playdate sa kanilang anak na may kaunting salo-salo at handaan. Importante lamang sakanila ay ang wish ng bata na maging masaya at enjoy ang kaniyang birthday.

Happy Birthday Elias!



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *