Dra. Vicki Belo, Ipinasilip ang kaniyang Walk-in Closet at mga mamahaling bag collection

Dekada na rin ang nakalipas simula nang makilala ang celebrity derma na si Dra. Vicki Belo dahil sa kaniyang kagalingan sa larangan ng pagpapaganda.


Image source: Instagram/victoria_belo




Bukod doon ay mas sumikat pa ito dahil na rin sa kaniyang anak na si Scarlet Snow Belo na nakilala sa social media. Busy man si Dra. Vicki Belo sa kaniyang aesthetic clinic ay nagagawa pa din nito mag-multi task bilang isang celebrity doctor.


Image source:Youtube/Dr. Vicki Belo

Sa kasalukuyan ay abala rin siya sa kaniyang sariling Youtube channel kung saan ibinabahagi niya ang ilang pangyayari sa personal na buhay at nagbibigay rin ng payo sa mga netizens kung papaano maalagaan ang likas nilang kagandahan.


Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo

Kamakailan nga lamang ay nasurpresa ang publiko nang pagbigyan nito ang hiling ng karamihan patungkol sa paggawa niya ng “walk-in closet vlog tour”.





Image source:Youtube/Dr. Vicki Belo

“This is the first time I’m letting people take a peek into my closet while @bangpineda is halfway through my ‘closet edit’. It’s not that perfectly neat yet, but I’m already enjoying the advantage of having everything organized”, bungad ni Dra. Vicky sa kaniyang ginawang YouTube vlog.


Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo

Pagpasok pa lang sa kaniyang walk-on closet ay bumungad kaagad ang koleksyon nito ng mga mamahaling bag tulad ng Hermes, Prada at Gucci na naka-color coding upang mas madaling makita.


Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo



Samantala, ang kaniyang mga damit naman ay may kani-kaniyang sampayan at naka-ayos ayon sa disenyo ng mga ito. Masasabi ngang “certified fashionista” si Vicki at ilan lamang sa mga mamahaling koleksyon nito ay mayroong brands na Gucci, Louis Vuitton, Prada, Hermés at marami pang iba. 


Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo

Nabanggit rin nito na madalas niyang bilhin ang Gucci brand subalit mas naging collector siya ng Hermés brand sa loob ng mahigit dalawang dekada dahil mas gusto niya ang disenyo ng mga ito.


Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo

Sa dami ng pagmamay-aring bag ay mas gusto pa rin ni Dra.Vicky ang simpleng disenyo na mayroong matitingkad na kulay kumpara sa mga tinatawag na exotic designs.


Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo


Sa katunayan, karamihan sa mga kakaibang disenyo ay bigay ng kaniyang mapagmahal na asawang si Hayden Kho at ang ilan naman ay mula sa kaniyang mga kaibigan.


Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo

Samantala, habang iniisa-isa na ipinapakita ni Vicki ang kaniyang mga bag collection ay naibahagi rin nito hindi na raw niya makita ang kaniyang pinakapaboritong luxury bag dahil mayroong nagnakaw nito. Ito ay isang special edition Hermes bag na may kulay itim na disenyo.


Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo

“Actually, yung pinaka-favorite ko nawala, ninakaw. I don’t know who got it. But it was black on black, it was a very special edition. It didn’t even have an orange box. It had a black box. It was matte….pag bukas ko ng box, wala na iba na yung nakalagay” malungkot nitong kwento


Image source: Youtube/Dr. Vicki Belo

Sa kabilang banda, hindi lahat ng kaniyang koleksyon ay kaniyang binili sapagkat karamihan dito ay iniregalo ng kaniyang mga kaibigan at mga kilalang designers kaya naman hanggang ngayon ay nakatago pa rin ang kaniyang mga koleksyon.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *