Aminin man natin at sa hindi, madalas nagiging batayan ng ating panghuhusga sa isang tao ang panlabas na kaanyuan o di kaya naman ay ang pagmamay-ari nilang kagamitan. Maging ang mga kilalang tao nga sa ating lipunan ay hindi nakakaligtas sa ganitong uri ng kaugalian at isa na dito ang singer at vlogger na si Donnalyn Bartolome.
Image source: Instagram/donnalynbartolome
Kamakailan lang ay tinawag siyang “cheap” ng isang netizen dahil lang sa uri ng bag na gamit niya habang isinasagawa ang vlog.
Image source: Youtube/donnalyn bartolome
Si Donnalyn ay matagal nang nagbibigay saya sa publiko sa pamamagitan ng kaniyang magandang tinig at kakaibang videos na ibinabahagi sa sariling YouTube channel. Maraming netizens ang nakasubaybay sa kaniyang buhay at ngayon ay pumapalo na sa mahigit 6 milyon ang kaniyang mga subscribers. Tinagurian din siyang “Social Media Goddess” hindi lamang dahil sa taglay niyang ganda kundi dahil na rin sa mga kawang-gawa na kaniyang ibinabahagi sa kapwa Pilipino.
Image source: Instagram/donnalynbartolome
Kilala bilang isang mapagbigay na tao si Donnalyn at sa katunayan, sa halos lahat ng mga videos na ginagawa niya ay makikitang nagbibigay siya ng regalo sa kaniyang mga mahal sa buhay maging sa ibang tao. Ang ilan nga sa kanila ay natulungan niyang magkaroon ng sariling bahay o di kaya naman ay grocery store at iba pang ika-bubuhay. Kaya naman, nagdesisyon siyang bigyan ng pagkakataon ang sarili na makatanggap ng mamahaling regalo at agad na naglibot-libot sa tindahan ng mga sports car.
Image source: Youtube/donnalyn bartolome
Sa nasabing vlog ay kapansin-pansin ang pagiging simple ni Donnalyn at dala-dala nito ang Burberry shoulder bag na siya namang napansin ng isang netizen na nagbigay sa kaniya ng hindi kanais-nais na komento.
Image source: Youtube/donnalyn bartolome
“Buying luxury car with a burberry purse?! Ewwww! So cheap! She looks like she’s just going to a convenience store.”, pahayag ng netizen sa Youtube vlog ni Donnalyn na “I Bought A Sportscar”.
Hindi naman ito pinalagpas ni Donnalyn at agad na sinagot ng maayos ang netizen.
Image source: Youtube/donnalyn bartolome
“And this, kids, is a perfect example of why it’s important not to be the girl with a $10,000 bag that doesn’t have $10,000 in it. Don’t go broke trying to look rich.”
Image source: Youtube/donnalyn bartolome
Hindi pa dito natigil ang sikat na vlogger at muli pang pinaliwanag kung bakit iyon ang bag na gusto niyang dala-dala.
Image source: Youtube/donnalyn bartolome
“My Burberry may not be the most expensive bag but when you look inside you’ll see why I call it my lucky bag. Beyonce will back me up on that…”
Maraming netizens ang natuwa sa sagot ni Donnalyn sapagkat hindi nga naman sukatan ang pagkakaroon ng mamahaling bag bago makabili ng isang mamahaling sasakyan. Ayon nga sa aktres, wala sa itsura o brand ng kagamitan ang importante sa isang tao, ang mahalaga ay wala tayong tinatapakan na tao.