Isa sa mga personalidad na madalas makita na tumutulong sa mga nangangailangan ay ang singer at influencer na si Donnalyn Bartolome. Maliban sa mga relief goods na kaniyang ipinadala sa ating mga kababayan noong binaha ang Marikina at Rizal dahil sa bagyong ulysses ay namili rin ito ng mga bangka noon upang magamit sa rescue operations.
Image source: Instagram/donna
Dahil lubos na naapektuhan si Donnalyn sa sinapit ng ating mga kababayan noon kaya naman agad siyang gumawa ng isang charity na tinawag niyang “Influence Us” na layunin ay makatulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Image source: Youtube/donnalyn
Kaya naman sa pamamagitan ng kaniyang kinikita sa Youtube channel at mga donasyon mula sa ibang tao ay nakalikom sila ng mahigit isang milyong piso.
Maliban dito ay nakipagtulungan rin siya sa kapulisan ng Rizal upang magsagawa ng tree-planting activity noong nakaraang linggo upang maibsan ang pagbaha sa flood prone areas.
Hangad nilang makapagtanim ng mahigit sa isang libong kawayan upang makatulong na maiwasan ang pagbaha sa lugar at mga katabing lungsod.
Napili nila ang bulubundukin ng Rizal dahil ayon sa mga eksperto sa lugar, mayroon ditong “water shed” o palatubigan na siyang sumasalo ng tubig na nagmumula sa mga maliliit na ilog.
Image source: Youtube/Donnalyn
Kawayan ang puno na napili nilang itanim dahil mayroon itong kakayanan na humigop ng mas maraming tubig kumpara sa ibang puno at sa paglipas ng panahon ay nadodoble rin ang kanilang bilang.
Image source: Youtube/Donnalyn
Mainam na solusyon ito upang maiwasan ang mabilis na pagtaas ng tubig sa mga dam na siyang nagiging sanhi ng pagbaha.
Image source: Youtube/Donnalyn
Sa huli ay hinikayat ni Donnalyn ang mga netizens na kung maaari ay magtanim ng mga puno sa kani-kanilang lugar upang makatulong sa ating kalikasan. Pinaalalahanan niya rin ang kaniyang mga viewers na sa bawat panonood nila ng kaniyang mga vlogs ay nakakapagbigay sila ng donasyon sa kaniyang sinimulang charity.
Image source: Youtube/Donnalyn
Image source: Youtube/Donnalyn
Tunay ngang responsibilidad ng bawat isa sa atin na pangalagaan ang ating kalikasan dahil kung hindi natin ito gagawin tayo rin naman ang mahihirapan.