Donnalyn Bartolome, naghanda ng supresa para sa kaniyang top fan matapos nitong manganak

Hindi lang talented itong si Donnalyn Bartolome dahil maliban sa kaniyang galing sa pag-arte at pagkanta ay busilak rin ang kaniyang puso.


Image source: Instagram/donna

Sa katunayan, isa siya sa mga kilalang Youtubers na talaga namang kilala sa pagbigay ng tulong sa kaniyang mga supporters at sa mahihirap.


Image source: Instagram/donna

Bilang pagkilala sa kaniyang mga taga-suporta ay nagkaroon ng special jacket giveaways ang singer noong nakaraang buwan ng Pebrero. Isa sa mga maswerteng napili dito ay ang preggy Mommy na kahit nasa kalagitnaan ng labor ay nagawa pang sumubaybay sa programa ni Donnalyn.


Image source: Youtube/Donnalyn

Nakilala siya bilang si Dafhnie Monica Panganiban at naantig niya ang puso ng vlogger sa kaniyang simpleng mensahe. Kaya naman maliban sa jacket ay nakatanggap din siya ng surpresa mula sa kaniyang idolo.

Image source: Youtube/Donnalyn

Samantala, matapos malaman na nanganak si Dafhnie sa Pasig City General Hospital ay agad na namili si Donnalyn ng regalo at nagpagawa pa ito ng customized top fan baby onesie.


Image source: Youtube/Donnalyn


Image source: Youtube/Donnalyn

Dahil hindi niya pa alam ang kasarian ng baby ay naisipan nitong bumili nalang ng isang set ng gamit pambata na neutral ang kulay. Bumisita rin siya sa hospital kasama ang kaniyang team at tuwang-tuwa ito nang makita ang napaka-cute na baby boy.


Image source: Youtube/Donnalyn


Image source: Youtube/Donnalyn

Hindi nga mapigilan ni Donnalyn ang sarili at nilapitan na nito si Baby Theo. Siya na rin ang nagpalit ng diaper nito at kinarga upang mapatahan sa pag-iyak.


Image source: Youtube/Donnalyn

Kaya naman marami ang netizens na natuwa at sinabing pwedeng-pwede ng maging mommy si Donnalyn dahil marunong itong mag-alaga ng baby.


Image source: Youtube/Donnalyn

Samantala, bago umalis ng hospital ay nagkwentuhan muna si Donnalyn at ang kaniyang top fan at first-time mommy na si Dafhnie.


Image source: Youtube/Donnalyn

Nalaman niya ang mga pinagdaanang hirap nito sa panganganak at nakita rin niya kung gaano kasaya si Dafhnie na ngayon ay matagumpay niyang naisilang ang napaka-cute na si baby Theo.


Image source: Youtube/Donnalyn

Talaga namang napaka-swerte ng mga fans ni Donnalyn hindi lang dahil sa mga surpresa na ibinibigay nito sa kanila kundi dahil ang kanilang iniidolo ay totoo sa lahat ng ginagawa nito at hindi lang pakitang tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *