Sa likod ng pag-arte ng ating mga hinahangaang artista ay may mga kwento sa likod ng kanilang buhay na magbibigay sa atin ng aral at pag-asa. Hindi ibig sabihing artista ay wala nang problema dahil sila ay tao lang din na kung saan meron ding mga sariling problema na kailangan nilang resolbahin.
Image courtesy: Dimples Romana | Instagram
Marami na din sa mga kilala nating mga celebrity ang nagbahagi ng kanilang kwento lalo na pagdating sa pamilya bago pa man nila makamit ang mga biyaya at marating ang sitwasyon na meron sila ngayon.
Image courtesy: Dimples Romana | Instagram
Tulad na lamang ng isa sa mga hinahangaan nating artista na si Dimples Romana na kung saan nagbahagi siya ng kanyang kwento nang siya ay mag-asawa at magka-anak sa edad na 18.
Image courtesy: Dimples Romana | Instagram
Katulad din ng ibang artista, si Dimples ay dumaan muna sa butas ng karayom bago natin siya nakilala bilang si Dimples na ating hinahangaan ngayon. Madami siyang pinagdaanan lalo na noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.
Image courtesy: Dimples Romana | Instagram
Labing-walong taon siya noon nang siya ay mabuntis at ikinasal sa kanyang asawang si Boyet Ahmee. Tulad ng ibang pamilya ay nagkaroon din sila ng mga pagsubok na kailangan nilang malampasan.
Image courtesy: Dimples Romana | Instagram
Saad ni Dimples na noong una ay madami pa ang naging puna sa pagsasama nila ni Boyet bilang isang pamilya. Ang masakit pa umano dito dagdag ni Dimples ay ang mga puna ay hindi galing sa ibang tao kundi galing pa mismo sa mga tao na malalapit sa kanilang buhay.
Image courtesy: Dimples Romana | Instagram
Dahil umano dito ay dumating sa punto na silang mag-asawa ay ayaw nang makasama ang isa’t-isa. Ngunit hindi sila nagpatalo sa kanilang nararamdaman.
Image courtesy: Dimples Romana | Instagram
Dagdag pa ni Dimples dahil na umano siguro na sila ay nagsimula sa pagiging magkaibigan hanggang sa naging silang dalawa ay maging mag-asawa kung kaya ang pag-subok na ito ay kanilang nalampasan. Kung baga kilalang-kilala na nila ang isa’t-isa at mayroon silang tiwala at higit sa lahat mapagpasensya.
Image courtesy: Dimples Romana | Instagram
Payo ni Dimples sa mga mag-asawa na gustong magkaroon ng matibay na pagsasama ay palagi nating uunahin ang kapakanan ng sariling pamilya at pahalagahan ito na tila isang bagay na iyong pinakamamahal at mahalaga sa buong buhay mo.
Image courtesy: Dimples Romana | Instagram
Kung gusto mo namang maging matagumpay ay dapat marunong kang magbalanse ng iyong oras at sarili at kahit sa lahat ng aspeto ng iyong buhay pagdating sa trabaho at pamilya.