Dimples Romana, masayang ibinahagi ang naipundar niyang bagong restaurant sa Singapore!

Mahirap man ang buhay sa gitna ng pandemya ay muling pinatunayan ng aktres na si Dimples Romana na walang pwedeng maging hadlang sa pag-abot ng iyong pangarap kung ikaw ay talaga namang magsusumikap at gagawin ang lahat ng paraan para ito ay maisakatuparan.


Image source: Instagram/dimplesromana

Lubos nga siyang hinangaan ng publiko hindi lamang dahil sa talento niya bilang artista kundi pati na rin sa galing niya sa paghawak ng pera.


Image source: Instagram/dimplesromana

Sa katunayan, matatandaan na marami ng na-invest ang aktres na bunga ng kaniyang tiyaga at pagpupuyat sa pagtatrabaho.

Ilan lamang sa mga ito ang property nila sa Alfonso, Cavite at bagong bili na condo-unit na ibinahagi niya rin sa kaniyang Youtube channel. Maliban dito ay mayroon pang iba’t ibang side business ang aktres kasama ang kaniyang asawa at mga kaibigan.


Image source: Instagram/dimplesromana

Samantala, hindi dito tumigil si Dimples sa pagpapalago ng kaniyang mga ari-arian at sa katunayan ay muli siyang nakipagsapalaran at nagtayo nga ng bagong negosyo sa ibang bansa kahit na hindi nito sigurado kung papatok ito.


Image source: Instagram/dimplesromana

Sa kaniyang Instagram account ay masayang ibinahagi ng aktres ang matagumpay na opening week ng kaniyang restaurant sa Singapore noong April 28. Binigyan niya ito ng pangalang “Alegria” at talaga namang sinuportahan ito ng mga Pilipino sa abroad.

Marami nga ang bumisita sa bagong bukas na restaurant ng aktres at ayon kay Dimples, sunod-sunod ang magagandang feedbacks na natanggap niya mula sa mga customers.


Image source: Instagram/dimplesromana

Tulad nalang ng masarap na pagkain, magandang ambiance at mga inumin ay talaga namang nahuli ang kiliti ng mga new-found suki niya sa Alegria restaurant.


Image source: Instagram/dimplesromana

Hindi nga maitago ang saya na nararamdaman ni Dimples at lubos na nagpapasalamat sa Diyos sa bagong biyaya na ipinagkaloob sa kaniyang pamilya.


Image source: Instagram/dimplesromana

Proud na proud din siya sa Team Alegria na malaking tulong para maisakatuparan ang kaniyang pangarap na negosyo kahit na wala siya roon upang asikasuhin ito ng araw araw.


Image source: Instagram/dimplesromana

Dahil nga sa bagong bukas na restaurant ay maraming natulungan ang aktres at nabigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho sa kabila ng malawakang krisis na kinakaharap ng mundo. Sa katunayan, mayroon na rin itong naipatayong Cafe Alegria sa global bonifacio city na malapit na malapit na rin mag bukas kaya naman todo kayod ngayon ang aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *