Dahil nga sa tagumpay ng proyekto ni Dimples Romana bilang si Daniela Mondaragon sa teleseryeng “Kadenang Ginto” ay nagkaroon ito ng pagkakataon na makapag-ipon at makabili ng sariling condo-unit.
Image source: Instagram/Dimples Romana
Noong nakaraang taon pa ibinalita ni Dimples ang kaniyang bagong investment ngunit nito lamang pagpasok ng taong 2021 natapos ang renovation. Medyo natagalan din ang pagdating ng ilang mga kagamitan na nais ni Dimples para sa kaniyang bahay dahil na rin sa malawakang krisis na kinakaharap ng ating bansa.
Image source: Instagram/Dimples Romana
Sa kaniyang ginawang Youtube vlog ay ibinahagi ng aktres ang ilang parte ng kanilang bahay maging ang mga kagamitan na talaga namang kaniyang pinag-isipan. Napagdesisyunan ni Dimples na gawing neutral lamang ang mga kulay na makikita sa nasabing condo na siyang kabaliktaran ng bahay nila sa Parañaque dahil punong-puno ito ng makukulay na disenyo.
Image source: Youtube/Dimples Romana Official
Pinili niya rin ang mga gamit na gawa ng ating mga kababayan kagaya na lamang ng cabinet na pinaglalagyan ng kanilang mga groceries.
Image source: Youtube/Dimples Romana Official
Pagpasok pa lamang ay mapapansin na kaagad ang isang painting na gawa ng batikang pintor na si Benedicto Cabrera at ayon sa aktres, tinatawag itong “Young Lovers”. Talaga namang pinag-ipunan ni Dimples na makabili ng mga paintings na gawa ng mga kilalang pintor sa ating bansa dahil na rin sa pagkahilig niya sa arts na siya ring gusto ng kaniyang asawa na si Boyet Ahmee.
Image source: Youtube/Dimples Romana Official
Maliban dito ay mayroon pang isang painting na nakasabit malapit sa kanilang dining area at ito naman ay gawa ni Vicente Manansala noon pang 1955.
Image source: Youtube/Dimples Romana Official
Image source: Youtube/Dimples Romana Official
Malapit sa pintuan ay matatagpuan ang mini-kitchen ng aktres na kumpleto sa gamit at dito sila madalas mag-bonding ng kaniyang mga kaibigan na bumibisita sa condo kagaya na lamang ni Julia Montes.
Image source: Youtube/Dimples Romana Official
Image source: Youtube/Dimples Romana Official
Samantala, ang sala naman ay gawa sa mababang sofa na madalas nilang tambayan dahil mula rito ay matatanaw ang napakagandang view sa labas ng kanilang condo.
Image source: Youtube/Dimples Romana Official
Image source: Youtube/Dimples Romana Official
Mayroon kasing malawak na bintanang salamin ang condo unit na napili ni Dimples kung saan kitang-kita ang kalakhang Maynila. Ayon sa aktres, dito sila madalas mag-relax ng kaniyang asawa habang kumakain o nagka-kape lalo na at sa tuwing gabi ay makikita mo ang Manila lights.
Image source: Youtube/Dimples Romana Official
Image source: Youtube/Dimples Romana Official
Naging maaliwalas rin ang bahay na ito kahit na maliit ang espasyo dahil mataas ang bubong at pinapaliwanag pa lalo ng kanilang ilaw na mayroong kakaibang disenyo.
Image source: Youtube/Dimples Romana Official
Gumamit rin ng tinatawag na “sheer curtains” si Dimples upang magkaroon ng magandang liwanag sa loob ng kaniyang bahay at para lagi itong “picture-perfect” sa tuwing kukuhanan ng litrato.
Image source: Youtube/Dimples Romana Official
Matagal din ang panahon na inantay ni Dimples na matapos ang kanilang condo na ito sapagkat unti unti niya itong binuo gamit ang kaniyang pinaghirapang ipon mula sa kaniyang mga proyekto.
Image source: Instagram/Dimples Romana
Kaya naman ang tanging pasasalamat ni Dimples sa kaniyang mga tagasuporta ay ang pagbabahagi ng loob ng kaniyang condo investment.