Walang magulang ang hindi kayang gawin ang lahat para sa kanilang mga anak. Ano mang hirap ay kaya nilang tiisin maibigay lang ang magandang buhay na ninanais nila para sa kanilang anak.
Isa na si Dimples Romana sa hanay ng mga magulang na all-out ang support pagdating sa kaniyang anak. Kaya naman para sa kaniyang college life ay pinayagan niya itong makapag-aral sa Australia dahil balak nitong maging isang Pilot.
Image courtesy: Instagram/dimplesromana
Sa mahigit ilang taong nakasama nila ito ay ngayon lang ito mawawalay sa kanila upang harapin ang bagong yugto at hamon ng kaniyang buhay.
Image courtesy: Instagram/dimplesromana
Ayon kay Dimples, nahirapan sila noong una na makahanap ng titirhan ni Callie lalo na at nasa Pilipinas sila. Kaya naman sa tulong ng kaniyang mga kakilala doon ay nahanapan nila ito ng matitirhan.
Image courtesy: Instagram/dimplesromana
Makikita ang mga larawang nai-post ni Dimples sa kaniyang Instagram Account ang lugar kung saan tutuloy at titira ang kaniyang anak habang nasa Australia ito. Napakalaki ng bahay na ito at may sarili siyang kitchen at living area. Open glass windows din ang paligid nito kaya naman sobrang maaliwalas ang over all look ng lugar.
Image courtesy: Instagram/dimplesromana
Sa una ay mahirap para kay Dimples na mag-aral si Callie sa ibang bansa lalo na at hindi ito sanay na mawalay sakaniya. Subalit ayon sa aktres, unti unti niyang tinatanggap na kailangan maging independent ni Callie dahil malaking tulong ito para sa future ng kaniyang anak.
Image courtesy: Instagram/callieahmee
Saad pa ng aktres na tanging ang sarili na lamang nito ang masasandalan sa Australia, dahil dito ay kailangan niyang pag-aralan at matutunan ang lahat ng bagay sapagkat mag-isa lamang siya.
Image courtesy: Instagram/dimplesromana
“While it is fun to be by yourself, you will also have to learn to do everything on your own!! At excited ako sa non stop calls mo asking me how we cook sinigang, adobo, callos,sinangag at madami pang iba. Pati pano maglaba, magplancha at maglinis. Ikaw na to.”
Image courtesy: Instagram/dimplesromana
“Pag ganap na piloto ka na in 3 years,maalala mo ang lahat ng adventuresatmisadventures mo at sana maging masaya ang lahat ng memories na baon mong ikwekwento sa amin anak,” ito ang mensahe ni Dimples kay Callie.
Image courtesy: Instagram/callieahmee
Hindi madali ang mawalay sa mga magulang ngunit ito ang magtuturo sa mga anak kung paano maging independent at tumayo sa sariling mga paa. Kaya naman proud si Dimples na malakas ang loob ng kaniyang anak kahit malayo siya sa pamilya.