Dimples Romana, ipinakita ang litrato ng kaniyang newborn baby boy na si Elio

Isang napakaganda at napakasayang linggo ang bumungad sa aktres na si Dimples Romana matapos niyang isilang ng safe at secure ang kaniyang pinakabunsong anak na lalaki na si Baby Elio.

Mahaba haba din ang hinintay ng aktres bago ito ulit mabuntis sapagkat magkakalayo ang agwat ng edad ng kaniyang dalawang anak. Kaya naman para sa kaniyang pagbubuntis ngayon ay sobrang happy and light lang ng kaniyang pregnancy journey dahil halos fulfilled na lahat ni Dimples ang kaniyang mga inaasam sa buhay.



Bukod kasi sa napakarami niyang naging projects sa industriya ay marami din blessings na dumating sakaniya bukod kay Baby Elio. Maraming napundar na mga property si Dimples at talaga namang umangat ang buhay nito dahil sa mga blockbuster teleserye niya.

Kaya naman very relaxed din ang pagbubuntis nito sa kaniyang baby lalo na at very supportive ang kaniyang mga celebrity friends tulad nina Bea Alonzo at Angel Locsin na todo effort sa paghanda para sa naging baby shower nito bago manganak.





Ang mismong litrato ng bagong silang niyang Baby Elio ay kaniyang ibinahagi sa mismong Instagram account ni Dimples.

“Lots of people to thank for this past weekend, just gathering all my thoughts til we get to express our gratitude to all who have prayed for us, for everyone who took care of us and made this journey a memorable one for our family,” pasasalamat ni Dimples.

Napakacute nga naman ni Baby Elio dahil kahit newborn pa lamang ito ay litaw na litaw na ang kaniyang dimples sa kaniyang pisngi na namana niya mismo sa kaniyang Mommy Dimples.



Malaki ang pasalamat si Dimples sa lahat ng tumulong at sumuporta sakanila sa kaniya mula sa kaniyang pregnancy journey hanggang sa paglabas ni Baby Elio kaya naman todo ang pasasalamat nito sa kaniyang Instagram post.

Ang buong pangalan ni Baby Elio ay Elio Juan Manolo. Siya ang bunsong anak ni Dimples Romana sa kaniyang dalawang anak na si Callie Ahmie at Alonzo Romeo sa kaniyang asawa na si Boyet.



Congratulations Dimples! Welcome to the Christian World Baby Elio!



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *