Bilang isang magulang sobrang sarap sa pakiramdam na makita mo na maayos ang pagsasamahan ng iyong mga anak lalo na kung close na close sila sa isa’t isa. Yung tipong nakikita mo silang nagbobonding na magkakapatid hanggang sa paglaki. Ganito ang nararamdaman ni Sunshine Cruz sa kaniyang mga anak at sa kaniyang step son na si Diego Loyzaga.
Image courtesy: Instagram/ Sunshinecruz718
Kamakailan lamang ay ipinagdiwang ni Diego ang kaniyang 27th birthday noong May 21, kasama ang kaniyang mga kapatid sa labas na sina Angelina, Sam, Cheska.
Image courtesy: Instagram/ Diego Loyzaga
Image courtesy: Instagram/ Diego Loyzaga
Magkaiba man ang kanilang ina ay hindi ito naging hadlang upang maging malayo ang loob nila sa isa’t isa. Sa katunayan, close na close pa nga ang mga ito at parang magbabarkada sa tuwing magkakasama dahil halos magkakasunod lamang sila ng age gap.
Image courtesy: Instagram/ Diego Loyzaga
Kaya naman, labis itong hinanganan ng aktres na si Sunshine Cruz at nagawa niya pang i-post ang larawan ni Diego kasama ang kaniyang mga anak na maykaakibat na pagbati sa birthday ng aktor.
Image courtesy: Instagram/ Diego Loyzaga
Binati ni Sunshine si Diego ng maligayang kaarawan at pinuri niya ito bilang isang pinakamabuting kuya sa kaniyang mga anak. Pinasalamatan din niya si Diego dahil sa palaging present ito para sa kaniyang mga kapatid at laging nakikipag bonding kasama ang mga ito.
Image courtesy: Instagram/ Sunshinecruz718
Image courtesy: Instagram/ Sunshinecruz718
Inilarawan ni Sunshine Cruz si Diego bilang isang mapagmahal at protective na kuya. Saad pa ng aktres, na pinagpala ang kaniyang mga anak dahil si Diego ang naging kuya nila dahil marunong itong lumapit at makibonding sa kaniyang mga kapatid kahit na teens na silang lahat.
Image courtesy: Instagram/ Diego Loyzaga
Madalas din mag-post si Diego sa kaniyang Instagram accounts ng bonding moments nila kasama ang mga kapatid. Sa iilang posts nga ay laging kasama pa ito sa kanilang mga beach get aways dahil mahilig mag bakasyon sa beach ang pamilya ni Sunshine.
Image courtesy: Instagram/ Diego Loyzaga
Dagdag pa ng aktres, na mahal na mahal nila si Diego at nandyan sila palagi para sa kaniya ano man ang mangyari. Kaya naman tinatrato din ni Sunshine si Diego na para na niyang sariling anak.
Image courtesy: Instagram/ Diego Loyzaga
Si Diego Loyzaga ay anak ni Cesar Montano kay Teresa Loyzaga, samantalang sina Angelina, Sam. Samantalang, Cheska naman ay kaniyang half-sisters sa aktres na si Sunshine Cruz.