Masaya at masasabi ngang maayos naman ang relasyon ng dating magkasintahan na sina Derek Ramsay at Andrea Torres kaya naman lubos na nagulat ang mga netizens lalong-lalo na ang kanilang mga fans nang biglang magdesisyon ang dalawa na tapusin na ang kanilang mahigit isang taong pagmamahalan.
Image source: Youtube/Andrek Vlogs
Nanatiling tahimik sina Andrea at Derek patungkol sa totoong dahilan ng hiwalayan ngunit sa kabila nito ay hindi maiwasan ang paglabas ng samu’t saring opinyon ng mga netizens at isa na nga dito ay ang pagkakaroon ng third party kung saan nabanggit pa ang pangalan ng singer na si Pops Fernandez.
Image source: Youtube/Pops Fernandez
Kaya naman, minabuti na ng aktor na maglabas ng pahayag upang linawin kung ano ba talaga ang nangyari. Sa Youtube vlog na inilabas ng kaibigan niyang si Pops Fernandez, ay makikitang casual nilang pinag-uusapan ang mga lumabas na isyu na may kinalaman kay Andrea.
Image source: Youtube/Pops Fernandez
Ayon kay Derek, sadyang dumating sa punto na mayroon silang hindi napagkasunduan ng dating kasintahan at kahit na sinubukan nila itong ayusin ay batid nilang hindi pa rin ito makabubuti para sa kanilang pagsasama.
Image source: Youtube/Andrek Vlogs
Kaya naman, pareho silang nagdesisyon na tapusin ang relasyon at nilinaw nitong wala silang galit sa isa’t isa. Binigyang diin rin ni Derek na mahalaga sa kaniya si Andrea at talaga namang ipagtatanggol niya ito sa mga bashers na wala namang alam sa totoong nangyayari.
Image source: Instagram/andreaetorres
Image source: Youtube/Andrek Vlogs
Inihayag rin ng aktor na sa ngayon ay wala pa silang closure ni Andrea ngunit umaasa siyang dadating ang panahon na magiging okay silang dalawa.
Image source: Instagram/andreaetorres
Image source: Instagram/ramsayderek07
Samantala, umamin si Derek na hindi niya inaasahang ma-inlove kaagad matapos ang hiwalayan at kahit siya ay nabigla rin sa pangyayari. Hindi niya akalain na mahuhulog ang loob niya kay Ellen Adarna at sinabi pa ngang nag-click kaagad ang ugali nila kahit na saglit lang silang nagkasama.
Image source: Instagram/maria.elena.adarna
Image source: Instagram/maria.elena.adarna
Ayon pa sa aktor, noon ay pareho nilang pinipigilan ang nararamdam nila sa isa’t isa at mas lalo lang itong tumibay dahil na rin sa suporta ng kanilang mga kaibigan.
Image source: Instagram/maria.elena.adarna
Inamin rin ni Ellen ang pag-ibig niya kay Derek at sa katunayan ay ibinahagi niya sa isang live interview sa radio station ng Monster RX93.1 na opisyal na naging sila ng aktor noong ika-4 ng Marso taong kasalukuyan.
Image source: Instagram/maria.elena.adarna
Maraming netizens ang napataas ang kilay nang malaman ito at ang ilan ay hindi maiwasang mag-komento ng mga negatibo. Ganoon pa man, hindi dito apektado ang bagong magkasintahan na sina Derek at Ellen at ngayon nga ay madalas na silang makitang magkasama maging sa mga posts nila sa social media.