Maraming mga nakakakilig na pangyayari sa mga couple celebrity na ating hinahangaan at inaabangan. Halimbawa dito ang mga celebrity na malapit nang ikasal, meron ding mga celebrity na magkakaroon na ng anak at meron din halos magkasabay ang kanilang kaarawan. Nakakakilig isipin na pareho kayong dalawa ng iyong partner ang magdiriwang ng kaarawan sa isang buwan.
Image courtesy: Dennis Trillo F.P/Instagram
Naisip na lamang ninyo na isabay na lang ang pagdiriwang ng isa sa mga mahahalagang araw ng inyong buhay. Tulad na lamang ng celebrity couple na si Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
Image courtesy: Dennis Trillo F.P/Instagram
Makikita sa Instagram ang isang bidyo na kung saan binati at binigyan ang aktres na si Jennylyn gayundin ang aktor na si Dennis ng isang cake at kinantahan sila ng Happy Birthday.
Image courtesy: Dennis Trillo F.P/Instagram
Simple lamang ang kaganapan ngunit makikita sa mukha ng dalawa ang pagmamahal at saya na hindi kayang pantayan ng kahit ano pa man.
Image courtesy: Dennis Trillo F.P/Instagram
Marami sa mga fans at mga netizens ang natuwa sa kaganapan na ito dahil hindi mo aakalain na magkadikit lang pala ang kaarawan ng dalawang artista. Marami din ang nakapansin sa sweetness ng dalawa sa isa’t isa at mararamdaman mo ang taos pusong pagmamahalan nila.
Image courtesy: Jennylyn Mercado/Instagram
Umani ang post na ito ng isang katerbang pagbati mula sa mga fans at meron ding mga netizens ang humihiling ng magandang kinubukasan para sa dalawa. Madami ding kinilig na mga netizens sa kaganapan na ito.
Image courtesy: Jennylyn Mercado/Instagram
Si Jennylyn Anne Pineda Mercado o mas kilala sa pangalang Jennylyn Mercado ay ipinanganak noong Mayo 15, 1987. Samantala ang aktor na si Abelardo Dennis Florencio Ho ay ipinanganak naman noong Mayo 12, 1981.
Si Dennis Trillo para sa ating kaalaman ay isang dating miyembro ng banda sa Baguio bago pa man ito maging isang kilalang aktor na ating hinahangaan ngayon.
Image courtesy: Jennylyn Mercado/Instagram
Samantalang si Jennylyn Mercado naman ay ang kauna-unahang nanalo sa isang reality talent competition na kilala sa tawag na Starstruck.