Tibay at lakas ng loob ang baun-baon ng karamihan sa ating mga kababayan sa tuwing makikipagsapalaran sa ibang bansa. Balot man ng lungkot ang kanilang puso at luhaan ang mga mata ay mas nananaig pa rin sa kanilang isipan ang pag-asa na sa kabila ng hirap na kanilang pagdadaanan, kapalit nito ay ginhawa para sa karamihan.
Sa dinami-dami nga ng mga kababayan nating OFW ay iba’t ibang kwento ng buhay ang maari nilang maibahagi sa atin. Mayroong kwento ng tagumpay samantalang mayroon namang tila ba pinagkaitan ng magandang kapalaran kagaya na lamang ng isang lalaki na naging viral sa social media.
Image source: Twitter/noellemae
Siya ay si Romeo Ordaz at ayon sa concerned netizen na si Mae Regala, dati itong nagtatrabaho bilang isang engineer sa Riyadh, K.S.A. kaya naman laking gulat niya nang makita itong gusgusin at nakatambay lang sa labas ng SM Southmall.
Image source: Twitter/noellemae
Noong una ay hindi makapaniwala si Mae sa kwento ng OFW hanggang sa ipakita nito ang passport na magpapatunay ng kaniyang pagkatao. Sa kanilang pag-uusap ay nabanggit ni Romeo na wala siyang asawa at anak at ang tangi niyang sinusuportahan ay ang kaniyang mga magulang na sina Arturo at Conchita Ordaz.
Image source: Twitter/noellemae
Nanlulumo at halos mawalan na ng pag-asa sa buhay ang dating engineer dahil pag-uwi niya sa Pilipinas noong taong 2011 ay wala ang tahanan na kaniyang pinag-ipunang maipagawa at pati ang kaniyang mga magulang ay tila ba naglaho na parang bula.
Image source: Twitter/noellemae
Walang makapagsabi sa kaniyang kababayan kung anong nangyari sa kaniyang pamilya at tiyak siyang mayroong tao na nanloko at itinakbo ang mga pinapadala niyang pera. Mangiyak-ngiyak ito habang nagsasalita at humingi ng tulong kay Mae upang kahit papaano ay makita niyang muli ang mga magulang. Kaya naman, hindi nag-atubili ang netizen at agad na ibinahagi ang kwentong ito ni Romeo.
Image source: Twitter/noellemae
“My mother and I ran into kuya today at SM Southmall, his name is ROMEO ORDAZ. He was an Engineer in Riyadh a few years ago. Pag-uwi niya ng Manila noong 2011, wala na yung family niya, wala na rin yung bahay nila. He is looking for his parents.”, caption ni Mae sa kaniyang Twitter post kasama ang ilang larawan ni Romeo at ng passport nito.
Nawa ay makatulong ang social media posts at ang blog na ito upang mahanap ang nawawalang mga magulang ni Romeo Ordaz at magtagpo ang kanilang landas bago pa man mahuli ang lahat.