Karamihan sa ating mga Pinoy ay nagtatarabaho bilang isang OFW. Ang iba ay minamalas sa kanilang landas sa ibang bansa subalit ang iba naman ay talagang umangat ang kanilang buhay dahil sa pagiging isang OFW.
Image courtesy: Instagram/2monkeystravel
Subalit para sa 33 years old na babae na ito na si Kach Umandap, isang former Overseas Filipino Worker na halos nalibot na ang buong mundo ay malaki ang nangyari sa kaniyang buhay matapos niyang lisanin ang pagiging isang OFW at maging isang travel blogger na lamang.
Image courtesy: Instagram/2monkeystravel
Maganda naman ang kaniyang kitaan sa pagiging isang OFW noon subalit nakaranas siya ng quarter life crisis at nagsimulang mag-travel. Sa kaniyang pag-travel ay nadiskubre niya na maaari siyang kumita dito gamit ang vlogging.
Image courtesy: Instagram/2monkeystravel
Kaya naman ngayon ay halos kumikita na siya ng mahigit kalahating milyon dahil sa kaniyang pag-travel sa iba’t ibang bansa. Kumikita ito dahil sa kaniyang mga ads at madalas ay iniisponsoran siya ng mga kumpanya at nabibigyan pa ng pocket money airline ticket upang makapag-travel habang ineendorse ang kanilang lugar.
Image courtesy: Instagram/2monkeystravel
Sa katunayan isang goal nga ngayon ni Kach ay bago matapos ang taon ay binabalak nitong mapuntahan ang mahigit 43 counties! Kapag ito ay kaniyang nagawa, siya ang magkakaroon ng kauna-unahang record na First Filipina with a Philippine passport na nakapag-travel na sa buong mundo!
Image courtesy: Instagram/2monkeystravel
Image courtesy: Instagram/2monkeystravel
"Hinahanap ko kung saan ako makakakain ng filipino food, pwede mo akong tanggalin sa Pilipinas pero hindi mo pwedeng tanggalin ang pagiging Pilipina sa akin," kwento ni Kach.
Image courtesy: Instagram/2monkeystravel
Napakasarap nga naman siguro ng buhay ni Kach na nakapag-travel na sa iba't ibang bansa na kadalasan ay libre pa ang kaniyang mga hotels at plane tickets. Halos mayroong na ngayong 2 million followers si Kach sa kaniyang mga social media accounts.