Dating aktres na si Jennifer Sevilla, ito na ang buhay ngayon at owner na ng mahigit limang Gasoline Station

Isa si Jennifer Sevilla sa mga sikat na aktres noong 90s dahil sa kaniyang napakagandang aura at galing sa pag-aarte. Halos nga karamihan sa mga teen movies noon ay siya ang kinukuhang bida at kontrabida dahil sa kaniyang angking galing sa pag-acting.


Image courtesy: Instagram/jen_sevilla




Subalit matapos ang mahigit ilang taon pamamayagpag sa larangan ng showbiz industry ay nilisan ng aktres ito upang mamuhay ng kaniyang pribadong buhay. Kaya naman marami ang nagtatanong kung nasaan na ngayon ang aktres at kung ano na ang kaniyang kasalukyang buhay ngayon.


Image courtesy: Instagram/jen_sevilla


Image courtesy: Instagram/jen_sevilla

Ayon sa kaniyang mga interviews, mayroon ng sariling pamilya ngayon si Jennifer Sevilla kung saan mas focus na lamang siya sa kaniyang life outside showbiz at sa mga anak. Nagsimula niyang lisanin ang showbiz noong ipinanganak niya ang kaniyang First born daughter na si Simon Rafa dahil nais nitong maging full time mom.





Image courtesy: Instagram/jen_sevilla

Mahirap man para sakaniya na iwanan ang nakagisnan na trabaho lalo na at nasa taas na siya ng kaniyang showbiz career. Ang lahat ng ito ay kaniyang nagawa dahil mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ang kaniyang pamilya dahil sila na ang buhay niya ngayon.


Image courtesy: Instagram/jen_sevilla

Ngayon ay isa ng happy wife and happy mom si Jennifer Sevilla at mayroon na rin siyang sariling negosyo na kaniyang minamanage.

Sa katunayan, ilan sa kaniyang mga negosyo na minamanage ay ang isang gasoline station ng kaniyang husband na madalas niyang ibahagi sa kaniyang social media account. Mayroon na silang mga new branches sa Mindanao, Laguna, Taytay, Pangasinan at Quezon.




Image courtesy: Instagram/jen_sevilla


Image courtesy: Instagram/jen_sevilla

Living the dream life nga naman ang aktres dahil pa-manage manage na lamang siya ng kanilang business habang jinujuggle ang mom life at paminsan minsan ay nakakakuha pa din siya ng mga projects at endorsements sa industriya.
Image courtesy: Instagram/jen_sevilla



Super thankful and blessed si Jennifer dahil hindi niya ito lahat magagawa kung hindi dahil sa mga tumangkilik sa kaniyang mga movies at teleserye noong 90s. Kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa kaniyang mga tagasuporta at sa kapwa mga artista na kaniyang naka-trabaho noon na naging matalik na kaibigan na niya ngayon.


Image courtesy: Instagram/jen_sevilla




So pretty mo pa din Ms. Jennifer Sevilla!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *