Dating aktres na si Charee Pineda, ito na ang napakagandang buhay ngayon bilang isang Mommy

Kung kilala niyo pa ang napakagandang aktres na si Charee Pineda, malamang ay isa kayo sa nakasubaybay sa kaniyang loveteam kasama ang aktor na si Jm De Guzman sa kanilang teleserye na “Ang Batang Ama”. Nakilala ang aktres dahil sa kaniyang angking ganda at talento sa pag-acting kung kaya’t nagkaroon ito ng iba’t ibang proyekto noon sa showbiz.


Image source: Instagram/Charee Pineda




Matapos ang ilang taon pagiging isang aktres ay unti-unting nilisan ni Charee ang kaniyang karera upang pagtuunan ng pansin ang pagiging isang politician. Sumabak ito taong 2013 at sinubukang pumasok sa politika bilang councilor ng Valenzuela. Naging matagumpay ang pagtakbo nito at nanalo ng ilang beses kaya naman mas naging busy ang aktres sa kaniyang trabaho bilang isang politician.


Image source: Instagram/Charee Pineda





Image source: Instagram/Charee Pineda

Taong Feb 2020 ay Ikinasal siya sa kaniyang longtime boyfriend of 7 years na si Martell Francesco Soledad na pinsan ng kilalang TV personality na si Shalani-Soledad-Romulo.Matapos nilang magenjoy mag-travel bilang magkasintahan ay napadesisyunan ng dalawa na simulan na ang kanilang panibagong buhay bilang mag-asawa.


Image source: Instagram/Charee Pineda


Image source: Instagram/Charee Pineda


Image source: Instagram/Charee Pineda



Matapos ang ilang buwan lamang ng sila ay maikasal ay masayang ibinalita ng dating aktres na siya ay nagdadalang tao na para sa kanilang first baby. Isinilang niya ang napakacute at napakaputi na baby boy noong November 2020 kung saan ipinakilala niya sa kaniyang mga tagasuporta.


Image source: Instagram/Charee Pineda


Image source: Instagram/Charee Pineda


Image source: Instagram/Charee Pineda

“My answered prayer. My baby Martell Francesco Soledad! So many blessings to be thankful for. First, thank you Lord for our super early Christmas present! Thank you for keeping us safe, “caption ng aktres sa kaniyang Instagram account.


Image source: Instagram/Charee Pineda



Kahit isang ganap na Mommy na si Charee, hindi pa rin kumukupas ang kagandahan nito at tila ba parang hindi siya nanganak sapagkat napanatili nito ang hubog ng kaniyang pangangatawan. Ngayon ay hands on mom si Charee sa kaniyang napakacute na anak na lalaki na si Baby Cesco.


Image source: Instagram/Charee Pineda

Image source: Instagram/Charee Pineda

Image source: Instagram/Charee Pineda




Tila ba na-achieve na niya ang lahat ng kaniyang minimithi sa buhay at naranasan na niya ng buong buo ang pagiging isang dalaga kung saan nakapag-travel na ito sa napakaraming bansa. Kaya naman ngayong isa na siyang Ina, mas piangtutuunan na ng pansin ng aktres ang kaniyang pamilya at mas settled na ang buhay niya ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *