Sa isang relasyon, darating talaga ‘yong punto na magiging handa na tayong magpakasal. Hindi dahil may nangyari na kailangan mong panagutan kung hindi dahil handa ka nang makasama ang iyong minamahal habangbuhay.
Image courtesy: Daryl Ong | Instagram
Image courtesy: Daryl Ong | Youtube
Tulad nalang ng magkasintahan na sina Daryl Ong at kaniyang nobya na si Dea Formilleza. Kamakailan lang nga ay nagpropose na si Daryl Ong sa kaniyang nobya. Ito ay kaniyang ginawa sa kalagitnaan ng kanilang pag-livestream.
Image courtesy: Dea Formilleza | Instagram
Image courtesy: Dea Formilleza | Instagram
Para maging matagumpay ang naging sorpresa ni Daryl at para hindi siya mahalata ay nagkunwari siyang abala sa kanilang ginagawa at binabati lamang ang kanilang mga manunuod. At nang maikuwento niya ang pagsubok na kinakaharap ng kaniyang ina, biglang nagbago ang tono ng boses ni Daryl at nagpasalamat sa kaniyang nobya sa kaniyang tulong na ibinibigay.
Image courtesy: Dea Formilleza | Instagram
Image courtesy: Dea Formilleza | Instagram
Sabi pa ni Daryl Ong na “Gusto ko na ring i-take itong opportunity na ito para magpasalamat sa iyo, sa ginawa mo sa panahon na may malaking pagsubok ang aking pamilya. Thank you so much tinulungan mong gumaan ‘yung sitwasyon namin”.
Image courtesy: Dea Formilleza | Instagram
Nagpasalamat din si Daryl sa pagmamahal ni Dea hindi lang sa kaniya kung hindi pati na rin sa kaniyang pamilya at nagpasalamat siya sa kabaitan ng kaniyang nobya. Pagkatapos nito ay inilabas niya na ang engagement ring na talaga ikinagulat ni Dea.
Image courtesy: Dea Formilleza | Instagram
“Oo” ang naging tugon ni Dea nang tanungin siya ni Daryl kung handa niya na bang pakasalan ito. Hindi naman maiwasang maiyak ni Dea sa pangyayari, “Tears of joy” ika nga nila. Hirit naman ni Daryl na “Wag kang mag-alala hindi ito prank”.
Image courtesy: Dea Formilleza | Instagram
Inamin naman ng dalawa na hindi ito ang unang pagkakataon na nagpropose si Daryl sapagkat taong 2016 pa lamang daw ay nagpropose na si Daryl. Wala raw nakakaalam nito kahit ang kanilang mga pamilya. Nagsimula ang kanilang pagkakaibigan taong 2011 at 2016 naman nagsimula ang kanilang pag-iibigan.