Daniel Padilla, ibinahagi ang ilang nakakakakilig na mensahe tungkol sa kanilang private relationship

Matagal ng hiling ng mga tagahanga ni Kathryn Bernardo na gumawa siya ng isang interview-vlog kasama ang long-time boyfriend nitong aktor na si Daniel Padilla. Kaya matapos ang mahabang paghihintay at ilang beses na pangungulit ng kaniyang mga fans ay napagbigyan rin ng aktres ang kaniyang mga tagasuporta.


Image source: Instagram/Kathryn Bernardo

Naghanda siya ng ilang katanungan upang mas lalong masukat ang lalim ng kanilang relasyon at mas makilala pa niya ng lubusan ang kasintahan. Noong una ay medyo nag-aalangan si Daniel na magsalita ngunit di nagtagal ay pina-kilig niya ang mga netizens sa kaniyang mga binitawang sagot.


Image source: Instagram/Kathryn Bernardo

Nagkakilala ang dalawa sa industriya ng show business at noong 16-taong gulang palang si Kathryn ay naging boyfriend niya si Daniel Padilla na noon ay 17-taong gulang.


Image source: Instagram/Kathryn Bernardo

Ngayon ay siyam na taon na ang kanilang relasyon bilang magkasintahan at dahil dito ay naitanong ng aktres kung mayroon bang pagkakataon na nanghihinayang ang aktor dahil maaga silang nagkakilala.


Image source: Instagram/Kathryn Bernardo

“We started dating kind of early. Do you sometimes regret meeting me at a very young age? tanong ni Kathryn.

“Hindi, ah… Totoo yan. I mean, wala namang hinahanap na oras ang pagmamahal, himdi ba? Pagka para sa’yo, para sa’yo kahit maaga man o late. E nagkataon na tayo maaga so walang problema. At least maagang naibigay sakin. Tsaka at least maaga mo rin akong na-guide kahit minsan ang kulit mo na.”


Image source: Instagram/Kathryn Bernardo

Napaka-ganda ng naging sagot ni Daniel dahil para sa kaniya walang hinahanap na oras ang pag-ibig at nagkataon lang na naibigay sa kaniya ng maaga si Kathryn at hindi ito naging problema para sa kaniya.


Image source: Instagram/Kathryn Bernardo

Sa katunayan ay mas nagpapasalamat siya na maaga niyang natagpuan ang kaniyang mamahalin habang-buhay kaysa magkaroon siya ng maraming kasintahan at sa huli ay mag-isang luhaan.


Image source: Instagram/Kathryn Bernardo

Ayon pa sa aktor, wala siyang gustong baguhin sa anumang pinagdaanan nila bilang magkaibigan at magkasintahan dahil malaking tulong ito sa paghubog ng kanilang pagkatao at prinsipyo sa buhay. Maging ang pag-uugali nilang dalawa ay kanilang napag-usapan at wala raw nais ipabago si Daniel sa kaniyang girlfriend dahil minahal niya ito kung sino siya.


Image source: Instagram/Kathryn Bernardo

“…wala akong papalitan sayo. Kung may ipapalit ako sa ugali mo, bat di nalang ako maghanap ng iba na hindi ganon, di ba? E kaya nga minahal kita, ganyan ka eh.”


Image source: Instagram/Kathryn Bernardo

Samantala, napag-usapan rin ng dalawa ang patungkol sa kanilang kasal lalo na at marami ang nagtatanong kung kailan ito mangyayari.


Image source: Instagram/Kathryn Bernardo

Nagbigay ng paliwanag si Kathryn at sinabing hindi pa siya handa sa ngayon dahil may mga bagay pa siyang gustong gawin ngunit sinalungat ito ng aktor at nilinaw na mayroon na silang napag-usapan na takdang panahon at hindi na pwedeng lumagpas pa doon.


Image source: Instagram/Kathryn Bernardo

Sa huli ay nagbigay ng payo ang love-birds sa mga netizens kung papaano mapapanatiling matatag ang isang relasyon at ilan lamang dito ay ang pagkakaroon ng respeto at walang tigil na paggawa ng mga bagay upang maipakita kung gaano ninyo kamahal ang isa’t isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *