Dani Barretto, Ipinakita ang kanilang napakagandang Minimalist House ng kaniyang asawa

Bilang mga social media influencers, maraming netizens ang nakasubaybay sa buhay ng mag-asawa na sina Dani Barretto at Xavi Panlilio.


Image source:Instagram/danibarretto




Ikinasal sila noong ika-23 ng Abril taong 2019 sa Santuario de San Antonio Church na matatagpuan sa Makati City at magmula engagement hanggang sa ngayong mayroon na silang sariling pamilya ay patuloy pa rin ang suporta na natatanggap nila mula sa kanilang mga fans.


Image source: Youtube/danibarretto

Bilang pagpapasalamat ay nais nilang pagbigyan ang matagal ng hiling ng mga ito na gumawa sila ng isang “house tour vlog” upang makita ng kanilang mga tagasuporta.


Image source: Youtube/danibarretto

Matatandaan na ang bahay na kanilang tinitirhan sa kasalukuyan ay wedding gift ng mga magulang ni Xavi sa kanilang dalawa at bago pa man tuluyang lumipat ay nagdesisyon silang ipaayos muna ito ng ayon sa gusto nilang disenyo at mga kagamitan.





Image source:Youtube/danibarretto

Ang prosesong ito ay umabot ng halos dalawang taon kaya naman ngayon lang sila nagkaroon ng pagkakataon na maipakita sa publiko ang kabuunan nito.

Image source:Youtube/danibarretto

“Everybody has been asking for a house tour but hindi pa kami ganoon ka-confident i-share ‘yung bahay namin noong time na ‘yon kasi hindi pa siya sa amin. So ito, proud na kaming i-share sa inyo ‘to kasi sa amin na talaga ‘to. Bahay na namin talaga ‘to.”, pagbabahagi ni Dani sa kanilang Youtube vlog.



Image source: Youtube/danibarretto

Kapansin-pansin ang pagiging maaliwalas ng bahay kahit na hindi ito ganoon kalaki dahil sa puting kulay na pinili nilang gamitin. Salamat din sa tulong ng kaibigan nilang si Miko Carreon, isang architect dahil naisakatuparan nila ang pangarap na disenyo at ayos nito.


Image source:Youtube/danibarretto

Maging mga furniture sa loob ng bahay ay kanila ring pinag-isipang mabuti at isa sa mga paborito nila dito ay ang sofa na galing sa Philux Rockwell.


Image source:Youtube/danibarretto

“Since our space isn’t that big, we really had to choose the furniture properly para hindi naman siya mukhang cramped.”, dagdag pa ng vlogger.


Image source: Youtube/danibarretto

Samantala, dalawang palapag ang nasabing bahay at ang hagdan paakyat dito ay mayroong disenyong salamin.


Image source: Youtube/danibarretto

Sa mga pader naman ay makikita na naka-display ang mga painting ng local artists kagaya ng gawa ni Ivan Acuña.


Image source:Youtube/danibarretto


Image source: Youtube/danibarretto


Maliban sa master’s bedroom at ipinakita rin nina Dani at Xavi ang kanilang “walk in closet” sa house tour na ito at nag-iwan pa ng tip para sa kanilang mga viewers. Bawat drawer kasi ay mayroong nakalagay na label kung anong damit ang dapat ilagay doon upang hindi na mahirapan ang kanilang mga kasambahay sa tuwing nagliligpit ng bagong labang mga damit.


Image source: Youtube/danibarretto


Image source: Youtube/danibarretto

Masasabi ngang magkasamang nagplano sina Dani at Xavi upang mapaganda ang bahay nila kaya naman achieve na achieve ang “cozy look” nito.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *