Para sa vlogger at social media influencer na si Dani Barretto, masarap makita na unti unting lumalaki ang mundo ng kaniyang anak na si Millie. Lalong lalo na ngayon na mahilig na itong makipag laro sa ibang bata at makipag interact sakanila pati na sa kaniyang mga tita na sina Julia Barretto at Claudia Barretto.
Image courtesy: Instagram/danibarretto
Subalit mayroon mga panahon din daw na nahihirapan si Dani na intindihin ang kaniyang anak sapagkat nakakaranas ngayon ng speech delay si Millie.
Image courtesy: Instagram/danibarretto
Kaya naman pinayuhan sila ng kanilang developmental pediatrician na ipa-speech therapy nila ang bata upang mas matuto itong i-express ang kaniyang sarili at unti unting makapagsalita.
Image courtesy: Instagram/danibarretto
“Millie now is currently in therapy. She does speech and occupational therapy… Yung yung inadvise sa amin ng developmental pediatrician niya kasi delayed siya sa speech,” kwento ni Dani.
“So yun lang yung ginagawa niya ngayon. Yun ang biggest challenge sa kanya ngayon. Other than that, yung motor skills niya, sobrang intact,” dagdag pa nito.
Image courtesy: Instagram/danibarretto
Pagdating naman daw sa ibang bagay ay sobrang attentive ni Millie sa kaniyang Mommy. Marunong itong makinig dahil sa tuwing mayroong mga bagay na hindi niya dapat ginagawa ay talagang masinsinan na ipinapaintindi ni Dani ito sakaniya.
Image courtesy: Instagram/danibarretto
Isang bagay na importante para kay Dani ay ang hindi mauuwi sa paluan ang pagdidisiplina sakaniya. Hindi daw nila ito pinapalo ng kaniyang asawa ni Xavi sa tuwing nagtatantrums ito. Isang paraan nila ay ang pakikipag usap ng maayos at kalmado kay Millie upang maintindihan niya ang mga bawal at hindi dapat.
Image courtesy: Instagram/danibarretto
“Parang it’s hard when I see my kid cry, nahihirapan. I’m always just there to guide her kung ano yung hindi niya masabi, hindi niya magawa,” pagbabahagi nito.
“Kailangan talaga patient ka kapag babies, di ba? Kasi dun nga nate test yung pagiging magulang mo”, dagdag pa ng aktres.
Image courtesy: Instagram/danibarretto
Isang payo ni Dani sa kapwa niyang mga Nanay ay magkaroon ng maraming pasensya sa tuwing nagtatantrums ang mga bata dahil mas makakatulong sa bata kung kalmado ang magulang upang maging kalmado din ang anak.
Image courtesy: Instagram/danibarretto
“Sa mga times na hindi nila masabi yung gusto nilang sabihin sa iyo, you have to be there to try to understand.”