Dahil sa Ukay-ukay, Umasenso ang buhay ng netizen na ito at nakapundar ng sariling delivery van

Naging parte na ng ating kultura ang kaisipan na kailangan mong makapagtapos ng kolehiyo upang masiguro na magiging maganda ang iyong kinabukasan. Hindi naman ito masama ngunit napatunayan na ng marami na hindi lang ito ang paraan upang maabot natin ang ating mga pangarap.


Image source: Facebook/Rachel Lucañas

Kinakailangan mong magkaroon ng tamang katangian kagaya ng determinasyon at pagpaplano upang matiyak ang iyong pag-asenso. Isa na nga dito ang netizen na naging viral sa social media dahil sa matagumpay niyang negosyo na ukay-ukay.


Image source: Facebook/Rachel Lucañas

College graduate si Rachel Lucañas at nakapagtapos siya ng Bachelor of Education-Elementary sa Bulacan Agricultural State College. Maliban dito ay kumuha rin siya ng kursong Bachelor in Business Administration sa University of Batangas.


Image source: Facebook/Rachel Lucañas

Kaya naman marami ang tumaas ang kilay nang sa halip na magtrabaho bilang empleyado sa isang kumpanya ay nagtayo siya ng sariling negosyo na ukay-ukay.


Image source: Facebook/Rachel Lucañas

“College graduate ka nman, bakit mas pinili mo magtinda ng ukay?”, ilan lamang sa mga salitang naririnig niya mula sa ibang tao.


Image source: Facebook/Rachel Lucañas

Sa kabila nito ay hindi nagpatinag si Rachel at sa halip ay ipinagpatuloy ang alam niyang nararapat. Dobleng sipag ang ginagawa niya para makapagbenta ng damit at maging ang gabi ay ginagawa niyang araw. Maaga siyang gumigising para asikasuhin ang mga paninda at siya na rin mismo ang nagiging modelo ng mga ito.


Image source: Facebook/Rachel Lucañas
Image source: Facebook/Rachel Lucañas

Noong una ay aminado si Rachel na mahirap ang ganitong negosyo ngunit ni minsan ay hindi niya naisip na sumuko.

Nag-umpisa siya sa isang bulto ng mga damit at ng maubos ay bumili ulit ng dalawa. Ganoon ang lagi niyang ginagawa hanggang sa dumami at lumago ang kaniyang mga paninda at hindi niya namalayan na distributor na siya ng ukay-ukay sa iba’t ibang panig ng bansa.


Image source: Facebook/Rachel Lucañas
Image source: Facebook/Rachel Lucañas

Kung noon ay sa garahe lang naka-display ang mga damit, ngayon ay may sarili na siyang warehouse at mga sasakyan na ginagamit sa delivery. Marami na rin siyang natulungan at nabigyan ng trabaho dahil sa kaniyang negosyo.

Masaya rin si Rachel dahil naibibigay niya ang lahat ng pangangailangan ng kaniyang pamilya maging ng kaniyang ina at mga kapatid.


Image source: Facebook/Rachel Lucañas


Image source: Facebook/Rachel Lucañas

Hanggang sa napaayos ni Rachel ang kanilang bahay at nakabili rin ito ng kaniyang sariling delivery van gamit ang kinita sa kaniyang ukay-ukay. Nagsimula rin itong mag live selling hanggang sa mas dumami ang kaniyang mga suki.


Image source: Facebook/Rachel Lucañas

“Kung may pangarap ka, wag mong intindihin ang sasabihin ng iba. Dahil ikaw ang tutupad sa pangarap mo hindi sila.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *