Marami sa ating mga kababayan ang natatakot na magpakasal hindi dahil nagdadalawang isip sila sa taong kanilang mahal kundi dahil sa gastusin na kanilang kakaharapin. Sa panahon nga ngayon ay hindi biro ang desisyong ito lalo na at mayroon tayong pinagdadaanang krisis. Ganoon pa man, hindi nito napigilan ang pag-iisang dibdib ng magkasintahan na naging viral sa social media.
Image source: Facebook/gwen strong
Sa Facebook post ng netizen na si Gwen Strong sa Pinoy Minimalist group ay ibinahagi niya kung papaano sila ikinasal ng kaniyang live-in partner na kasama niya sa loob ng mahigit anim na taon.
Image source: Facebook/gwen strong
Ayon kay Gwen, nagdesisyon silang dalawa na gawing legal ang kanilang pagsasama ngayong taon kahit na mayroong pandemiya. Hindi ito naging hadlang sa kanilang hangarin lalo na at simpleng kasal lang ang kanilang hiling.
Image source: Facebook/gwen strong
Sa katunayan, halos apat na libung piso lamang ang nagastos ng dalawa sa kabuuan ng ceremonya at ginamit nalang na wedding ring ang “promise ring” nila noon sa isa’t isa.
Image source: Facebook/gwen strong
Hindi na rin gumastos si Gwen sa pagbili ng magarbong gown at ginamit nalang kung anong damit ang meron siya at ganoon din ang ginawa ng kaniyang asawa. Tipid din ang make-up nito dahil lipstick lamang at polbo ay sapat na para sa kaniya. Sariling cellphone camera na din ang ginamit ni Gwen upang kunan ang simpleng kasal nila na natunghayan ng kanilang malalapit na pamilya.
Image source: Facebook/gwen strong
Ayon pa kay Gwen, halos tatlong oras lang ang kanilang iginugol na panahon para sa paghahanda,ceremonya ng kasal at maging sa reception nito. Sa sobrang simple nga ay hindi aakalain ng ibang tao na nagpakasal na pala ang dalawa.
Image source: Facebook/gwen strong
Ganoon pa man, ang mahalaga sa kanila ay ang nararamdaman nila para sa isa’t isa at hindi kung ano ang sasabihin ng iba. Alam din nilang magiging masaya ang kanilang pagsasama dahil ang kani-kanilang pamilya ay suportado ang kanilang pagmamahalan.
Image source: Facebook/gwen strong
Dahil nga nakatipid sa kasal ay nagkaroon ng mas malaking ipon sina Gwen na siya nilang ibinili ng motorsiklo at ginastos sa pag-akyat ng Mt.Apo. Dito nila ginawa ang ilang “post-nuptial photoshoot” at ang kanilang inaabangang honeymoon bilang legal na mag-asawa.
Image source: Facebook/gwen strong
Nakakatuwa nga dahil kung kailan umakyat ng bundok ay doon pa nakapag-suot si Gwen ng wedding gown. Memorable sa kaniya ang mga oras na ito at talaga namang na-enjoy niya dahil pagbubundok ang siyang kinahihiligan nilang gawin ng kaniyang asawa.
Image source: Facebook/gwen strong
Para kay gwen, hindi na kailangan pagka gastusan pa ang kanilang kasal lalo na at mas nanaiisin na lamang nilang gastusin ito sa ibang bagay na alam nilang mag-eenjoy silang parehas mag-asawa.