Claudia Barretto, ibinahagi ang pinag-ipunan na Spanish and Italy Trip na graduation gift para sa kaniyang sarili

Sa edad na 22 years old ay talagang strong and independent woman na ang anak ni Marjorie Barretto na si Claudia Barretto. Sa katunayan nga ay kung dati na lagi niyang kasama ang kaniyang Mommy sa tuwing pupunta sila ng ibang bansa, ngayon ay kahit mag-isa ay kayang kaya na ni Claudia.


Image courtesy: Instagram/claudia




Image courtesy: Instagram/claudia

Kamakailan nga lamang ay ibinahagi ni Claudia ang kaniyang recent trip to Spain kasama ang kaniyang dalawang close friends. Sobrang ganda ng kanilang mga pinupuntahan at talaga namang sosyalin ang kaniyang dating sa kaniyang mga outfit styles.


Image courtesy: Instagram/claudia

Ayon kay Marjorie Barretto, matagal na panahon daw ang ginugol ni Claudia na magtrabaho at makaipon para sa kaniyang Spain at Italy trip na ito. Isa itong graduation gift para sa kaniyang sarili matapos niyang maka-graduate sa college kasama ang kaniyang mga childhood friends.





Image courtesy: Instagram/claudia
Image courtesy: Instagram/claudia

“Off she goes… I took my third child to the airport late last night, she was to travel with her good friend to Spain and Italy. A trip she worked and saved up for as her graduation gift to herself. Im so proud of you @claudia I hugged you so tight and told you to go and make the best memories. I put a cross on her forehead while praying to God to keep them under his protection…


Image courtesy: Instagram/claudia

Thank you for finishing strong in college. You make me so proud. Have fun and come back to Mom soon. God be with you.” ito ang caption ni Marjorie Barretto bago ihatid si Claudia sa airport para sa kaniyang flight.


Image courtesy: Instagram/claudia

Isa ngang privilege ang makapag-travel sa ibang bansa sa panahon ngayon dahil na rin sa taas ng mga presyo ng mga bilihin. Kaya naman isa si Claudia Barretto sa mga maswerte na nakaipon at nakapag-travel ng may budget sa panahon ngayon dahil kakaunti lamang ang mga turista na afford ang makapag-travel sa ibang bansa.
Image courtesy: Instagram/claudia



Mula sa kaniyang mga Instagram posts, makikita na sobrang ganda sa kanilang mga pinuntahang lugar. Food tripping nga ang isa sa kanilang ginawa doon dahil isa ang Spain at Italy sa may best cuisine and food sa buong mundo.


Image courtesy: Instagram/claudia
Image courtesy: Instagram/claudia

Bukod kasi sa masarap na ang pagkain ay very presentable pa ito sa tuwing iseserve sa mga customers kaya naman halos lahat ng mga restaurants na pinuntahan nila Claudia ay kaniyang pinost sa Instagram.


Image courtesy: Instagram/claudia

Ilan sa mga pinuntahan niyang lugar ay ang Rome Italy, Biarritz France, Pamplona at Madrid sa Spain kasama ang kaniyang bestfriend.


Image courtesy: Instagram/claudia
Image courtesy: Instagram/claudia


Napakaganda nga naman ng Europe tour ni Claudia at halos abutin ito ng isang buwan sa kanilang bakasyon kaya naman pag-uwi nito galing Pilipinas ay talagang winelcome back siya ng kaniyang pamilya.


Image courtesy: Instagram/claudia

“2 good 2 be true. Perfect welcome home to Manila straight from a food-filled Spanish Trip,” caption nito sa kaniyang Instagram account pagdating niya ng Manila.




Welcome back Claudia!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *