Chynna Ortaleza, ibinahagi ang sikreto upang mas maging interesado ang mga bata sa kanilang academic lessons

Maliban sa pagturo ng mabuting asal, dapat naka-focus rin ang mga magulang sa mga bata pagdating sa kanilang academics tulad ng simpleng pagsulat at pagbibilang. Nakakatuwa ngang malaman na naging parte na ito ng “every day routine” ng karamihan sa mga millennial moms ngayon lalo na at halos lahat ng oras ay nasa loob lamang sila ng bahay dahil sa pandemiya.


Image source: Instagram/chynsortaleza

Kaugnay nito, ibinahagi ng “celebrity mom” na si Chynna Ortaleza ang mga importanteng bagay na natutunan niya sa pagtutok sa homeschooling ng kaniyang panganay na anak na si Stellar.


Image source: Instagram/chynsortaleza

“The other day we were really struggling with the 100 board. Like para akong naiiyak… kasi fear ko na mag ka fear sa numbers si Stellar. Bilang nung bata ako ay talagang hirap na hirap ako… acutally hindi lang nung bata…kahit ngayon!”, pagbabahagi ni Chynna.


Image source: Instagram/chynsortaleza

Isa ito sa mga kinatatakutang mangyari ni Chynna dahil batid niyang karaniwan sa mga bata ang kawalan ng interes o mahirapan pagdating sa pag-aaral ng mga numero. Ganoon pa man, hindi agad sumuko ang aktres lalo na at nakikita niya na may interes ang bata kaya lang mabilis itong mag-sawa.
Image source: Instagram/chynsortaleza
Image source: Instagram/chynsortaleza

“But I learned a few things about her learning curve. She needs to sleep on a lesson. No fail… the next day her difficulty understanding will transform into performing the exercises with ease.❤️”, kwento pa nito.


Image source: Instagram/chynsortaleza

Noong una ay hindi maiwasang mainis ni Chynna sa nangyayari tuwing tinuturuan ang anak ngunit sa paglipas ng mga araw ay marami siyang natututunan at ito naman ang nais niyang ibahagi sa kapwa nanay online.


Image source: Instagram/chynsortaleza

“Also as a parent, try to reprogram. Be conscious and try to stop yourself from projecting your fears unto the child. I am so guilty of this. I fail at it. However, I am trying to step back and just watch her grow into herself instead. My child is teaching me A LOT about everything.”


Image source: Instagram/chynsortaleza

Natutunan niyang huwag madaliin ang bata at sa halip ay hayaan ang anak sa sariling paraan nito kung papaano siya matututo. Maliban dito ay hinahabaan din ni Chynna ang pasensiya dahil isa ito sa kinakailangan upang maging matagumpay siya sa pagtuturo sa anak.


Image source: Instagram/chynsortaleza

Kaya payo nito sa kaniyang kapwa mommies ay kinakailangan nating bigyan ng pagkakataon na makahinga at makapag relax ang ating mga anak pagdating sa academics upang sa ganon ay hindi ma-burn out ang mga ito dahil mas magkakaroon ng interes ang bata kung physically and emotionally ready ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *