Child Actress na si Trina Legaspi o mas kilala bilang ‘Hopia’, mala-dyosa ang dating sa kaniyang prenup photos

Naalala niyo pa ba ang batang si Hopia o Trina Legaspi sa totoo niyang pangalan? Siya ang batang napaka-cute at unang nakilala nang mapabilang sa Kapamilya TV show na “Goin’ Bulilit” at nakasama niya noon ang iba pang child-aktres kagaya nina Kathryn Bernardo at Julia Montes.


Image source: Instagram/trinalegaspi

Sa ngayon ay 26 years old na si Trina at maliban sa mga commercials ay abala siya sa paggawa ng mga vlogs para sa kaniyang Youtube channel. Kapansin-pansin rin ang malaking pagbabago sa kaniyang ganda at sa katunayan ay lubos na hinangaan ng mga netizens ang kaniyang naging transformation.


Image source: Instagram/trinalegaspi

Samantala, mahigit anim na taon rin ang naging relasyon nila ng non-showbiz boyfriend na si Ryan Jarina at noong nakaraang November 2020 ay nag-propose na nga ito sa kaniya.


Image source: Instagram/trinalegaspi


Image source: Instagram/trinalegaspi

Agad namang sumagot ng “YES” si Trina at masayang-masaya ito dahil ang kauna-unahan at nag-iisa niyang boyfriend ay siya ring makakasama niya sa habang-buhay.


Image source: Instagram/trinalegaspi


Image source: Instagram/trinalegaspi

Matapos ang engagement ay naging abala ang dalawa sa pag-aasikaso ng mga bagay na kailangan nila bago ang kasal at si Trina naman ay lubos na pinaghandaan ang kaniyang prenup photoshoot.


Image source: Instagram/trinalegaspi


Image source: Instagram/trinalegaspi

Mala-dyosa ang dating ng bride-to-be sa kaniyang mga prenup pictures at lahat ng ito ay kuha ng kilalang photographer na si Nico Gonzales. Suot niya rito ang kulay puting flower-laced long gown na mayroong disenyong plunging neck-line na gawa naman ng designer na si Mich Viray.


Image source: Instagram/trinalegaspi


Image source: Instagram/trinalegaspi

Samantala, simple lang ang ginawang make-up sa kaniya ni Julius Cabanisas kaya naman kitang-kita pa rin ang natural na ganda nito. Ang kaniyang wavy hair naman ay inayos ng hair stylist na si Diana May.


Image source: Instagram/trinalegaspi


Image source: Instagram/trinalegaspi

Dreamy set ang napiling theme ni Trina para sa kaniyang photoshoot at lahat ng ito ay pinagtulungang magawa nina Michael Ruiz at Jemi Nicdao. Dried flowers at iba pang halaman ang ginamit nila upang ma-achieve ang mala-gubat na background sa set.


Image source: Instagram/trinalegaspi

Talaga namang napakaganda ni Trina sa kaniyang isinuot na white gown sa photoshoot kaya naman maraming netizens ang napa-wow at excited ng makita ang paglalakad niya sa altar suot ang wedding gown.


Image source: Instagram/trinalegaspi

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang dalawa patungkol sa eksaktong araw ng kanilang kasal ngunit siguradong magiging maganda ang kalalabasan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *