Chesca Garcia Kramer, Ibinahagi ang kaniyang pinaghirapan na taniman ng gulay sa kanilang bakuran

Bilang hands on mom, sinisiguro ni Chesca Kramer na healthy at safe from chemicals ang kaniyang ipapakain sa kaniyang tatlong anak na sina Kendra, Scarlett at Gavin. Kaya naman naisipan nito na magtayo ng little garden sa kanilang bagong tayong mansion ngayon upang hindi na nila kailangan pang mamili sa supermarket o palengke ng mga gulay.


Image source: Instagram/chekakramer

Sa isang Instagram post ng celebrity mom na si Chesca Garcia Kramer ay ipinakita nito ang munting organic vegetable garden sa kanilang bakuran na sinimulan nilang mag-anak noong buwan ng Setyembre ng nakaraang taon.


Image source: Instagram/chekakramer

May malawak na bakuran ang kanilang bagong tahanan kaya naman malaya silang makakapagtanim ng kung ano mang naisin nila. Kasama sa mga nauna nilang itinanim ang mga puno kagaya ng papaya, kalamansi at lime na pinagtulong-tulungan nilang pamilya lalo na ng mga bata.


Image source: Instagram/chekakramer

Nais rin ituro ng mag-asawang Chesca at Doug ang kahalagahan ng responsibilidad sa kanilang mga anak at ipakita sa mga ito na ang ano mang gawain kung pagsusumikapan ay magbubunga ng maganda kalaunan kaya naman sinimulan nilang ituro ang pangangalaga ng kanilang little garden.


Image source: Instagram/chekakramer


Image source: Instagram/chekakramer

Mula noon ay nagtuloy-tuloy na ang naging pag-ani ng mga ito at kada buwan ay mayroon silang nakukuha mula roon. Sa paglipas rin ng mga buwan ay nagdagdag pa sila ng mga pananim na gulay.


Image source: Instagram/chekakramer

Sa pinakabagong post ni Chesca tungkol sa kanilang garden ay ipinakita nito ang naani ng kanyang panganay na si Kendra kasama ang Yaya Josie nito. Ilan sa mga ito ay ang baby carrots, onion leeks, luyang dilaw o turmeric, luya, kamatis, sitaw, bell pepper, siling haba, bunga ng malunggay, monggo, talong, sigarilyas at sponge gourd.


Image source: Instagram/chekakramer


Image source: Instagram/chekakramer

Image source: Instagram/chekakramer

Payo nito sa mga nagnanais na magsimula ng kanilang sariling vegetable garden ay mag-research online para makakuha ng ideya kung paano mag-alaga ng mga ito. Kung wala naman daw lupa o garden para sa mga ito ay maaari silang itanim sa mga paso, sa ganitong paraan umano rin ito nagsimula.


Image source: Instagram/chekakramer

Ang paghahalaman ay isang magandang paraan upang makatipid at mainam lalo na sa panahon ngayon na delikado pa ang lumabas at mamili dahil sa pandemya ng bansa. Kaya ito ang naisip na paraan ni Chesca upang masiguro din niyang safe ang kanilang kakainin.


Image source: Instagram/chekakramer

Tunay ngang kapag may itinanim ay paniguradong may aanihin at ang lahat ng ito ay dagdag pagkain rin sa hapag kainan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *