Marami ang nahumaling noong lockdown sa pagtatanim ng halaman sapagkat ito ang naging pangunahing libangan ng mga tao habang sila ay naka quarantine noon kaya naman mapapansin na karamihan din sa mga artista ay naging certified plantita.
Image source:Instagram/milesaubrey
Samantala, kung ang ilan ay ginagawang libangan ang pag-aalaga at pagkokolekta ng mga halaman, ang ilan naman ay ginawa na rin itong negosyo lalo na at in-demand ito sa mga netizens.
Image source: Instagram/milesaubrey
Sa katunayan, isa na rito ang aktres na si Aubrey Miles at tinagurian siyang “Certified Plantita Queen”, nang ibahagi niya sa social media na dahil sa mga halaman ay nakabili siya ng sariling lupa!
Isang malawak na lupain ang ipinasilip ng aktres sa kaniyang Instagram kung saan makikitang kasama niya ang asawang si Troy Montero at dalawang anak na sina Hunter at Rocket. Hindi man nito nabanggit ang lokasyon ng lugar pero kapansin-pansin na kakaunti pa lang ang mga bahay sa paligid nito na parang isang probinsiya.
Image source:Instagram/milesaubrey
“Would you believe parts of this investment ‘KATAS NG HALAMAN’ maraming makakarelate dito… As long as you’ve got passion, faith and are willing to work hard. You can do anything you want in this life. Next year will be a better year for everyone. Let’s inspire each other and support one another. I believe anyone can do it…” caption ni Aubrey sa kaniyang Instagram account.
Image source: Instagram/milesaubrey
Image source: Instagram/milesaubrey
Ayon kay Aubrey, noong una ay naging libangan niya lang din ang pag-aalaga ng mga halaman dahil gusto niya itong gawing palamuti sa bahay at natutuwa siya dahil mayroon din itong magandang epekto sa kalusugan ng kaniyang pamilya.
Image source: Instagram/milesaubrey
Image source: Instagram/milesaubrey
Sobrang maalaga kasi ang aktres sa kaniyang kalusugan lalo na at mahilig din itong mag-ehersisyo kasama ng kaniyang asawa kaya naman ang pagkakaroon ng mga halaman sa loob ng kanilang bahay ay may magandang epekto para sa kanila dahil sa fresh air na kanilang nalalanghap.
Image source: Instagram/milesaubrey
Kaya naman nang makita rin niya na malaki ang market sa pagbenta ng halaman ay hindi na rin siya nag-atubiling magbenta sa social media at sumasali rin sa mga bazaar kasama ang mga kababayan nating mahilig rin sa mga halaman.
Image source: Instagram/milesaubrey
Nagkakahalaga ng simula 350 pesos hanggang mahigit 1,000 pesos ang mga halaman na kaniyang ibinebenta at sa dami nga ng bumili sa aktres ay nakapag-ipon ito at nakatulong ang kaniyang munting negosyo upang maisakatuparan ang pangarap niyang makapag-invest muli ng ilang ektaryang lupa.
Image source: Instagram/milesaubrey
Tunay ngang maganda ang nagiging bunga kapag pinagsama ang sipag at tamang diskarte sa buhay. Kapag ginawa mo ito, sigurado ang pag-asenso ng iyong munting negosyo.