Hindi biro ang pagkakaroon ng sariling pamilya at pagiging ama dahil kasabay nito ang pagharap sa isang mabigat na responsibilidad. Ilan lamang dito ang pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng pamilya at pagsisigurong ligtas ang kanilang tirahan.
Image courtesy: Instagram/trinacandaza
Kaya naman, karamihan sa mga kalalakihan ay talaga namang pinaghahandaan ang ganitong pangyayari sa kanilang buhay at tinitiyak na bago sila pumasok sa isang seryosong relasyon ay handa sila sa mga responsibilidad na maari nilang harapin.
Image courtesy: Instagram/joseliwanag
Isa na nga dito ang sikat na aktor at ngayon ay “proud daddy” na si Carlo Aquino. Noong nakaraang taon ay hayagan nitong ipinakilala sa publiko ang kaniyang anak sa non-showbiz girlfriend na si Trina Candaza.
Image courtesy: Instagram/joseliwanag
Binigyan nila ito ng pangalang Enola Mithi at ipinanganak noong ika-13 ng September taong 2020. Lubos nilang pinag-isipan ang pangalan ng kanilang panganay dahil ang Enola kapag binaliktad ay magiging “alone” at gusto nilang lumaki ito na mahilig mag-explore at maging independent.
Image courtesy: Instagram/trinacandaza
Idinagdag ni Carlo ang pangalang Mithi dahil ito ang pangalan ng kapareha niya sa ginawang pelikula na “Pahina” noong taong 2000.
Sa kabila ng pagiging abala sa trabaho at mga taping ay hindi pinapalagpas ng aktor na makasama ang kaniyang anak at talaga namang naglalaan siya ng panahon para ito ay maalagaan.
Image courtesy: Instagram/joseliwanag
Sa katunayan, may mga ibinahaging video si Trina sa kaniyang Instagram account kung saan makikitang pinapatulog ng aktor ang kaniyang unica hija at may mga pagkakataon rin na siya ang nagpapaligo dito. Siya rin madalas ang clown ng kaniyang anak at sa tuwing naglalaro sila ay abot-tenga ang ngiti ni baby Elona.
Image courtesy: Instagram/joseliwanag
Aminado naman si Carlo na sa ngayon ay malaki ang pagbabago na nangyari sa kaniyang buhay at kung noon ay masipag siya sa trabaho, ngayon ay mas pinagbubuti niya pa ito dahil sa hangaring mabigyan si baby Elona ng maayos na buhay habang lumalaki.
Image courtesy: Instagram/joseliwanag
Mas lalo niya ring minahal ang kasintahang si Trina dahil sa pagpapakita nito ng kahanga-hangang katangian bilang isang asawa at ina.
Image courtesy: Instagram/joseliwanag
Samantala, sa sariling instagram post ni baby Elona ay ibinahagi ni Carlo ang kwento kung papaano nila nalaman na nagdadalantao na pala si Trina. Nasa Japan sila noon nang mag-iba ang kilos ni Trina at bigla nalang itong naghahanap ng strawberry at madalas ay nakakatulog nalang bigla kahit saang lugar.
Image courtesy: Instagram/joseliwanag
Kaugnay nito ay kaliwa’t kanan ang pagbati na natanggap nina Carlo at Trina mula sa mga kaibigan at netizens. Maging ang aktres at dating kasintahan ni Carlo na si Angelica Panganiban ay masaya rin sa magandang balita na hatid ng aktor.