Carla Abellana, Ipinasilip ang kaniyang simpleng walk in closet pero mamahalin ang mga kagamitan

Nauuso ngayon ang mga Youtube vlogs patungkol sa “walk-in closet tour” ng mga celebrity vloggers hindi upang ipagyabang kung anong meron sila kundi upang mapagbigyan ang kahilingan ng kanilang mga taga-hanga na gustong malaman kung ano ang mga kinahihiligan o kinokolektang gamit ng kanilang mga iniidolo.


Image courtesy: Instagram/carlaangeline

Isa sa mga celebrity vloggers na hindi nakatiis at pinagbigyan na ang request ng kaniyang mga fans ay ang aktres na si Carla Abellana na ngayon ay mayroon ng humigit kumulang sa 535,000 subscribers.




Image courtesy: Youtube/ Carla Abellana

Kapansin-pansin na maliit lang ang walk-in closet ng aktres at siksik na siksik dito ang kaniyang mga damit at sapatos. Ayon kay Carla, mayroon siyang iba’t ibang kwarto sa bahay kung saan nakalagay ang iba niyang gamit at ito muna ang una niyang ipapakita sa mga netizens.


Image courtesy: Youtube/ Carla Abellana



Makikita dito ang apat na palapag ng cabinet kung saan naka-ayos ng mabuti ang mga sapatos ng naayon sa klase at kulay ng mga ito. Aminado ang aktres na mahilig siyang mag-kolekta ng mga sapatos at sa bawat bansa na pupuntahan niya ay siguradong makakabili siya ng isang pares nito.

Image courtesy: Youtube/ Carla Abellana

Sa kanang bahagi ng maliit na kwarto ay naka-hanger naman ang kaniyang mga blouse ayon sa disenyo at kulay ng mga ito. Sa kanan naman ay matatagpuan ang kaniyang mga dress na siyang paboritong isuot ng aktres para sa kaniyang mga OOTD.


Image courtesy: Youtube/ Carla Abellana



Samantala, hindi naman nahihiya ang aktres na ipakitang bumibigay na ang cabinet kung saan nakasabit ang kaniyang mga damit at natatawa nalang ito dahil parang sinasabi sa kaniya na nabibigatan na ito sa dami ng kaniyang gamit.


Image courtesy: Youtube/ Carla Abellana

Bago matapos ang kaniyang “closet tour” ay pumasok ulit ang aktres sa isang kwarto kung saan naka-display ang napakaraming koleksyon nito ng mga designer bags. Ayon kay Carla, inilabas niya talaga lahat ng bag mula sa kanilang lalagyan upang hayaan silang mahanginan at makahinga pansamantala.


Image courtesy: Youtube/ Carla Abellana


Image courtesy: Youtube/ Carla Abellana

Isa ito sa mga tip na ibinigay niya sa mga netizens upang mapanatili ang orihinal na porma ng mga ito at maiwasan ang pagkasira ng mga materyales. Maselan kasi ang mga designer bags lalo na kung gawa ito leather o suede. Dagdag pa ng aktres ay mahalaga rin ang regular na paglilinis ng mga ito lalo na ngayong panahon ng pandemic.


Image courtesy: Youtube/ Carla Abellana


Samantala, lubos na hinangaan si Carla dahil sa kabila ng pagmamay-ari nito ng mamahaling gamit ay hindi naramdaman ng mga netizens na siya ay nagmamayabang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *