Carla Abellana, ipinakita ang kaniyang Condo Unit na matagal niyang pinangarap makamit

Bago pa man mag-artista ang Kapuso aktres na si Carla Abellana ay isa din siya sa mga ordinaryong Pilipino na nangarap na magkaroon ng magandang buhay hindi lang para sa sarili kundi para din sa kaniyang mga mahal sa buhay.


Image source: Instagram/carlaangeline

Sa katunayan, bago pa man ito sumikat ay minsan na siyang nagtrabaho noon sa Rockwell Land Corporation kung saan na-assign siya sa Human Resource Department.





Image source: Instagram/carlaangeline

Ayon sa aktres sa loob ng mahigit isang taong pagtatrabaho sa kompanya ay doon nabuo ang kaniyang pangarap na magkaroon ng sariling condo unit sa isang prestihiyosong lugar kagaya ng Rockwell.


Image source: Youtube/carla abellana

Suntok sa buwan man noon ang hiling ni Carla ay hindi niya ito binalewala at sa halip ay patuloy na nagsumikap upang maisakatuparan ang kaniyang kagustuhan.


Image source: Youtube/carla abellana




Sinagot nga ng langit ang panalangin ng aktres at makalipas ang ilang taong pagtatrabaho sa show business ay nabili niya ang isang condo unit sa Rockwell habang nakapre-selling pa ito noong taong 2012.


Image source: Instagram/carlaangeline

Pinaganda at inayos niya ang lugar at minsan ay kaniyang rin itong tinutuluyan sa loob ng walong taon. Ngunit sa ngayon ay hindi na nagagamit ni Carla ang condominium dahil abala siya sa mga taping at kung saan-saang lugar napupunta para sa shooting.


Image source: Instagram/carlaangeline


Image source: Instagram/carlaangeline

Kaya naman nagdesisyon siyang ibenta ito upang mapakinabangan ng tamang tao na nararapat dito para narin magamit niya sa ibang bagay ang kaniyang malilikom na pera.




Image source: Youtube/carla abellana


Image source: Instagram/carlaangeline

Sa “condo tour vlog” na ibinahagi niya sa kaniyang Youtube channel ay makikitang maaliwalas ang espasyo ng condo at pagpasok mo ay makikita mo kaagad ang sala at dining area na malapit sa veranda.


Image source: Instagram/carlaangeline

Kapansin-pansin ang magandang view sa labas ng condo na ito at tila ba nasa pinaka-mataas na bahagi na ito ng building.


Image source: Instagram/carlaangeline

Mayroong dalawang kwarto ang unit na ito at ang isa ay master’s bedroom na may sariling pinto samantalang ang isa naman ay medyo maliit at napapalibutan ng salamin.


Image source: Instagram/carlaangeline


Image source: Youtube/carla abellana

Sa loob nito ay makikita ang isang pull-out bed na maaring magamit ng mga bisita o iba pang miyembro ng pamilya. Kumpleto rin ang pangkaraniwang kagamitan sa loob ng bahay kagaya ng TV, washing machine at iba pang gamit sa kusina.




Image source: Youtube/carla abellana


Image source: Instagram/carlaangeline

Habang nagkukwento ay hindi mapigilan ni Carla na maging emosyunal dahil sa mga biyayang natatangap niya at isa na nga dito ang condo unit na kasagutan sa kaniyang panalangin.


Image source: Youtube/carla abellana


Image source: Youtube/carla abellana

Ibinahagi niya rin na isa sa mga dahilan kung bakit niya ito ibinebenta ay upang makadagdag sa pagpapagawa ng kanilang dream house ng kasintahan na si Tom Rodriguez.


Image source: Instagram/carlaangeline

Matatagpuan ang nasabing condo unit sa The Grove by Rockwell sa Pasig at bago matapos ang video ay nagbigay ng detalye si Carla kung papaano sila makakausap patungkol sa pagbebenta niya ng kaniyang property.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *