Carla Abellana at Tom Rodriguez, Ibinahagi na matagal na silang engaged noong nakaraang taon pa

Nagkagulo sa social media noong nakaraang linggo matapos maglabas ng opisyal na balita ang on-screen at real-life couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez patungkol sa kanilang engagement.


Image source: Instagram/nice print photo

Sa mga larawang ibinahagi nila sa kani-kanilang Instagram account ay makikita ang hindi matawarang ngiti sa kanilang mga labi pati na rin ang kumikinang na singsing sa daliri ng aktres.


Image source: Instagram/carla angeline

Naging magkasintahan ang dalawa simula noong 2014 at sa loob nga ng mahigit anim na taong pagsasama ay madalas nilang napag-uusapan ang patungkol sa kanilang pag-iisang dibdib.


Image source: Instagram/akosimangtomas

Ayon nga kay Tom nasa estado na sila ngayon ng kanilang relasyon kung saan siguradong-sigurado na sila sa isa’t isa kaya naman hindi na niya pinatagal pa ang planong wedding proposal para kay Carla Abellana.


Image source: Instagram/nice print photo

Sa tulong ng kaniyang pamilya at mga kaibigan ay inihanda ni Tom ang isang intimate ngunit magarbong engagement proposal.


Image source: Instagram/carla angeline

Makikita sa mga inilabas na larawan ng sikat na photographer at kaibigan ng dalawa na si Pat Dy ang napakaraming puting bulaklak na mas pinaganda pa ng mga kandilang nagliliwanag sa ibabang bahagi nito.


Image source: Instagram/nice print photo

Samantala, kapansin-pansin naman ang pagiging casual ng suot ng magkasintahan at tila ba “twinning” ang mga ito sa kanilang “denim-themed outfit”. Simple lang din ang make-up ng mestizang aktres kaya naman litaw na litaw ang kaniyang natural na kagandahan.


Image source: Instagram/nice print photo


Image source: Instagram/nice print photo

Matapos ang pagbabalita ng kanilang engagement sa Instagram ay nagkaroon ng online interview si Tom para sa Youtube channel na GTalk TV Show at doon ay binigyan niya ng palaisipan ang mga netizens kung kailan ba talaga nangyari ang wedding proposal niya kay Carla Abellana na tinawag niyang “The One”.


Image source: Instagram/carla angeline


Image source: Instagram/nice print photo

Kaugnay nito, naglabas naman ng mga larawan ang official photographer nina Tom at Carla na Nice Print Photography at ibinahagi sa publiko na noon pang nakaraang October 2020 naganap ang engagement ng dalawa. Dinaluhan ito ng kani-kanilang pamilya pati na rin ang aso na alaga nilang dalawa.


Image source: Instagram/nice print photo

Dahil sa balitang ito ay hindi maiwasan ng mga netizens na kiligin at ang ilan nga sa kanila ay nag-aabang na kung kailan mangyayari ang pag-iisang dibdib ng kanilang mga idolo.


Image source: Instagram/nice print photo

Sa kabilang banda ay wala pang inilalabas na pahayag ang newly-engaged couple patungkol sa eksaktong araw ng kanilang kasal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *