Naranasan mo na bang masaktan ng taong mahal mo o ng malalapit sayo at ng kahit mismong kaibigan mo na minahal ng husto at tinuring mo nang parte ng buhay mo?
Image courtesy: Camille Trinidad/Instagram
Kung “OO” ano ang ginawa mo? May mga pangyayari na hindi natin maiiwasan na gawan tayo ng hindi maganda ng mga taong mahal natin na siyang ikakasakit ng ating damdamin.
Ngunit kahit ganun pa man kasakit ang nagagawa nilang pagkakamali ay nagagawa parin natin silang patawarin kaysa sa magalit at magtanim ng sama ng loob sa kanila.
Image courtesy: Camille Trinidad/Instagram
Katulad na lamang ng kilalang vlogger na si Camille Trinidad na kamakailan lamang ay nag trending sila sa social media ng kaniyang kasintahang si Jayzam Manabat dahil sa nagawang malaking pagkakamali nito sa kaniya.
Image courtesy: Camille Trinidad/Instagram
Hindi naging madali sa kanilang dalawa ang gulong pinasok ni Jayzam. Hindi lamang ang kanilang mga tagahanga at tagasubaybay ang nasaktan kundi mas naapektuhan at nasaktan ng sobra si Camille na mas piniling maging positibo at magpatawad sa kabila ng sakit at hirap na kaniyang naranasan at naramdaman.
Image courtesy: Camille Trinidad/Instagram
Dahil dito, makikita sa Instagram post ni Camille ang mga katagang, palaging piliin ang pagpapatawad kaysa magtanim ng galit sa kapwa.
Image courtesy: Camille Trinidad/Instagram
Samantala, sa kaniyang iba pang online post, muling nagpost si Camille ng isang quote tungkol sa paghihiganti at pagpapatawad.
Ayon sa post ni Camille, ang mga mahihinang tao ay sila iyong naghihiganti at ang mga matatatag na tao ay nagpapatawad at samantalang ang mga matatalinong tao naman ay sila naman yung hindi namamansin.
Image courtesy: Camille Trinidad/Instagram
Si Camille Trinidad at Jayzam Manabat ay nagkaroon ng YouTube channel na pinangalangan JaMill noong Disyembre 2, 2016.
Subalit nagsimula silang magpost ng mga video sa YouTube pagkalipas ng isang taon at nagpost ng kanilang kauna-unahang debut video na pinamagatang “I Hate Pampanga (Hahahahha!) -JaMill Vlogs.”
Image courtesy: Camille Trinidad/Instagram
Si Camille ay ipinanganak noong Marso 22, 1997. Samantalang si Jayzam naman ay ipinanganak noong Agosto 4, 1998.