Kitang-kita ang saya at excitement sa mukha ng mag-asawang sina Camille Prats at VJ Yambao nang ibahagi nila sa social media ang update patungkol sa kanilang dream house na kasalakuyan nilang ipinapatayo ngayon.
Image source: Instagram/vjyambao1
Ikinasal ang dalawa noong ika-7 ng Enero taong 2017 sa Nayomi Sanctuary Resort sa Batangas at ngayong apat na taon na silang nag-sasama bilang mag-asawa ay nais nilang magkaroon ng sariling bahay para sa lumalaki nilang pamilya.
Image source: Instagram/camilleprats
Image source: Instagram/vjyambao1
Matatandang nagkaroon si Camille ng panganay na anak sa pumanaw niyang asawa noon at ganoon din si VJ sa una niyang ka-relasyon. Sa ngayon ay dahil kasal na ang dalawa at nagkaroon na sila ng kanilang anak na si Nala at Nolan ay kinakailangan na nila ng bagong bahay.
Image source: Instagram/camilleprats
Kaya naman noong 2019 ay sinimulan nila ang construction at masaya nila itong ibinahagi sa kanilang mga fans. Subalit dahil na rin sa nangyaring lockdown ay nahinto ang pagpapagawa ng kanilang bahay pansamantala.
Image source: Instagram/camilleprats
Samantala, hindi akalain ng dalawa na magiging mas challenging pala ang planong pagpapagawa ng bahay kaysa sa kanilang iniisip. Hindi lamang nahinto ang pagpapagawa dahil sa pandemiya, kung hindi dahil na din sa dalawang magkasunod na bagyo na dumating noong nakaraang taon.
Image source: Instagram/camilleprats
Aminado si Camille na talaga namang na-stress siya ng bongga ngunit na-enjoy pa rin naman ang challenge kasama ang pinaka-mamahal na asawa.
Image source: Instagram/camilleprats
Malawak ang kabuuan ng kongkretong bahay na mayroon dalawang palapag at matapos ang mahigit isang taon ay nasa “finishing stage” na ito.
Image source: Instagram/camilleprats
Hindi biro ang kanilang nagastos kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat ng aktres sa Panginoon sa pagbibigay nito ng mga biyaya upang matustusan ang gastusin sa kanilang ipinapagawang bahay.
Image source: Instagram/camilleprats
Sa kasalukuyan ay balik showbiz muli si Camille matapos maipanganak ang bunso at host rin ito ng “Mars Pa More” kasama ang kapwa mommy na si Iya Villania. Maliban dito ay abala rin siya sa pagtatrabaho bilang school administrator ng Montessori Divine Angels na pagmamay-ari ng kanyang pamilya.
Image source: Instagram/camilleprats
Image source: Instagram/camilleprats
Marami netizens ang napa-wow sa balitang ito at naging inspirasyon ang aktres hindi lamang sa pagiging super-mom kung hindi lalo na pagdating sa buhay pag-ibig dahil nawalan man siya noon ng minamahal ay agaran itong pinalitan ng Maykapal at biniyayaan ng kanilang supling.