Kusina ang isa sa pinaka-paboritong lugar ng mga misis dahil dito sila gumagawa ng masasarap na pagkaing inihahain sa kanilang mahal sa buhay. Hindi biro ang gawaing ito dahil maliban sa nakakapagod ay nakaka-ubos din ng lakas ang pamamalengke at agarang pag-iisip kung ano ang lulutuin.
Image source: Instagram/camilleprats
Madalas ay nagiging maingay at makalat din ang lugar na ito lalo na kung nagmamadali ka sa pagluto. Kaya naman, ang celebrity-mom na si Camille Prats ay gustong simulan sa kusina ang paggawa niya ng resolution ngayong 2021.
Image source: Instagram/camilleprats
Ayon sa aktres, ang bagong taon ay isang simbolo ng pagbabagong buhay at kalakip nito ay ang pagpaplano upang maging stress-free ang buong taon na darating. Kaugnay nito ay naglaan siya ng panahon para pag-isipang mabuti kung ano ang masarap at masustansiyang pagkain na gusto niyang ihanda sa kaniyang pamilya.
Image source: Instagram/camilleprats
“As for me, ang New Year’s resolution ko especially when it comes to the kitchen is really to create a menu plan for my family kasi iyan ang struggle ko everyday, ang mag-isip ng kakainin nila.”, pagbabahagi niya sa social media.
Image source: Instagram/camilleprats
Sa ganitong paraan ay nakakatipid si Camille ng oras at pera dahil naka-budget na ang gastusin sa loob ng isang linggo lalo na at tatlo na ang kaniyang anak.
Image source: Instagram/camilleprats
Malaking tulong din ito upang mabawasan ang stress niya sa pagluluto at nagkakaroon pa ng mas maraming oras para magawa ang ibang importanteng bagay.
Image source: Instagram/camilleprats
Idinagdag niya rin na ngayon ay mas sinisiguro na niya na palaging may stock ang kanilang “pantry” bilang paghahanda sa posibleng kalamidad o pagpapalit ng protocols patungkol sa kinakaharap nating pandemya.
Image source: Instagram/camilleprats
“Kailangan mas organized na talaga tayo para mas maging productive tayo especially if you’re working from home,” dagdag na payo ng aktres sa mga wais na misis kagaya niya.
Image source: Instagram/camilleprats
Nasa ika-dalawang linggo na si Camille sa pagsunod sa kanilang “meal plan” at ayon sa kaniya, naging maayos naman ito at nagustuhan rin ng kaniyang pamilya ang naisip niyang ideya. Maging ang mga kasambahay ay nabigyan ng ginhawa at sila rin ay nagkaroon pa ng extrang oras.
Image source: Instagram/camilleprats
Hangad ng aktres na maituloy ang nasimulang plano at maging inspirasyon sa kapwa work-from-home moms. Ikaw, ano ang kwento ng New Year’s Resolution” mo?