Excited ang Pinoy Big Brother host na si Bianca Gonzalez sa bago nilang project ng asawa na si JC Intal. Ito ay walang iba kundi ang kanilang dream house na sinimulan nilang ipatayo sa South area noong September 2018 na mas malaki ito kumpara sa tinitirahan nilang bahay ngayon.
Image source: Instagram/iamsuperbianca
Sa Instagram post ng host ay ibinahagi niya na si JC mismo ang nagpagawa ng una nilang bahay at matagal na itong natapos bago pa siya mag-propose.
Image source: Instagram/iamsuperbianca
Maganda naman ang bahay na ito at sa katunayan ay dito sila nakatira ngayon kasama ang dalawang anak na sina Lucia at Carmen.
Image source: Instagram/iamsuperbianca
Sa kabila nito ay marami silang nakita na dapat ayusin at ma-improve kagaya nalang ng sukat ng mga kwarto. Medyo maliit din ang kitchen area at walang maayos na ventilation ang bahay.
Image source: Instagram/iamsuperbianca
Kaya naman sa bago nilang ipinapagawang bahay ay mas naging mabusisi ang mag-asawa at sinigurado na malaki ang espasyo ng mga kwarto lalo na para sa dalawang bata.
Image source: Instagram/jcintal7
Naglaan rin sila ng panahon para pag-isipan ang magigig disenyo ng kanilang kusina at sala. Gusto kasi ni Bianca at JC na maging pang-matagalan ang pagtira nila sa kanilang dream house kaya naman ganoon nalang ang effort nila na ito ay mapaganda.
Image source: Instagram/iamsuperbianca
Image source: Instagram/iamsuperbianca
Hindi rin nakalimutan nina Bianca ang paglagay ng mga barya sa ilalim ng lupa habang ginagawa ang pundasyon ng bahay. Isa ito sa mga pamahiin na hanggang ngayon ay buhay pa rin at maraming Pilipino ang gumagawa.
Image source: Instagram/iamsuperbianca
Ayon sa mga eksperto, ang ganitong gawain ay makatutulong para mapanatili ang yaman ng pamilya at hindi sila magkulang sa kanilang pangangailangan.
Image source: Instagram/iamsuperbianca
Samantala, sa bagong post ni Bianca ay makikita na malaki na ang naging improvement sa konstraksyon ng kanilang bahay at mayroon na itong ikalawang palapag.
Image source: Instagram/iamsuperbianca
Halos kumpleto na rin ang mga pader at approve na approve nga ito sa panganay nilang anak na si Lucia. Ipinakita niya rin ang malawak na kitchen area at kahit na hindi siya gaanong nagluluto ay naging excited siya sa magiging bonding moments nila dito ng kaniyang mga chikiting.
Image source: Instagram/iamsuperbianca
Sigurado nga na magiging maganda ang kalalabasan ng Gonzalez-Intal dream house lalo na at sa simula pa lang ay talaga namang hands-on dito ang mag-asawa.