Napa-wow ang mga netizens sa bagong look at hair transformation ng aktres na si Bela Padilla dahil ibang-iba ito sa mga nakagawian niyang hairstyle at make-up.
Image source: Instagram/bela
Nasanay nga ang publiko na itim o brown ang buhok ng aktres dahil hindi rin ito madalas magpalit ng kulay. Kaya naman laking gulat nila nang makita ang Instagram post ni Bela kung saan nagmukha siyang barbie doll sa kaniyang buhok na blonde.
Image source: Instagram/bela
Image source: Instagram/bela
Hindi nga maikakaila na blooming na blooming ngayon ang aktres at mas lalo pa siyang gumanda sa kaniyang napaka-habang buhok at mala-korean look. Kapansin-pansin naman na minimalist accessories lamang ang suot niya tulad nalang ng super cute na Prada hairclips.
Image source: Instagram/bela
Samantala, marami rin ang nakapansin na ibang-iba ang saya ngayon ni Bela at ito ay dahil sa kaniyang Swiss-Italian boyfriend na si Norman Ben Bay. Nagkakilala sila noon sa St.Gallen nang mag-shooting ang aktres para sa isang pelikula nila ni Carlo Aquino.
Image source: Instagram/bela
Image source: Instagram/bela
Hindi man madalas mag-post si Bela patungkol sa kanilang relasyon ay pinakilig naman nito ang mga netizens nang sagutin niya ang Q&A sa kaniyang Instagram stories. Bago nga magkaroon ng lockdown ay nakapag-bonding sila sa napaka-gandang lugar ng Cappadocia.
Image source: Instagram/bela
Image source: Instagram/bela
Ayon sa aktres hindi siya madalas magpunta sa mga tourist spot pero kakaiba ang naging experience niya dito dahil kasama ang niya ang kaniyang kasintahan. Sa katunayan, kabilang na ito sa mga favorite places niya around the world.
Image source: Instagram/bela
Maliban sa magagandang memories nila ng kaniyang boyfriend ay malaking tulong din ang regular beauty routine ng aktres para ma-maintain ang kaniyang natural glow. Ilan lang sa mga ginagamit niya sa mukha ay ang Dior facemask na mayroong glycolic acid at citric acid. Mabisa ito para sa skin exfoliation na gustong-gusto ni Bela dahil wala siyang masyadong effort para matanggal ang mga dumi sa mukha.
Image source: Instagram/bela
Hindi rin mawawala ang kaniyang ‘La Mer eye cream’ na mabisa para mawala ang dark circles dahil sa pagpupuyat. Pero aminado ang aktres na minsan ay pinalamig na kutsara sa freezer ang ginagamit niya para ma-relax ang mata.
Image source: Instagram/bela
Talaga namang naalagaan ng husto ni Bela ang kaniyang sarili kaya naman kahit na anong hairstyle at make-up ang subukan niya ay bagay na bagay pa rin ito sa kaniyang clear at happy skin.