Beauty and brains na Mayor ng Tarlac na si Donya Tesoro, Hinahangaan ng netizens dahil sa kaniyang karisma

Hindi mo lubos na aakalain na ang isang napakaganda at mala-artistang babae na katulad ni Doña Cresensia Reyes Tesoro ay isa palang napakagaling na Mayor sa San Manuel, Tarlac. Nakilala siya sa social media sapagkat marami ang naaakit sa kaniyang kagandahan at katapangan sa pagpasok sa politika sa edad na 21 years old.


Image source: Instagram/mayordonyatesoro

Matangkad, maganda at makinis na kutis ang unang mapapansin kay Mayor Tesoro na tila aakalain mo isang aktres sa showbiz. Subalit ikinagulat ng karamihan ng malaman nila na ang napakagandang dilag na ito ay isa palang napakagaling Mayor sa Tarlac. Tinagurian nga siyang beauty and brains sapagkat lahat ng magagandang katangian ay tila na sakaniya na.


Image source: Instagram/mayordonyatesoro


Image source: Instagram/mayordonyatesoro

Nagsimula ang karera ni Mayor Donya mula ng mag-aral ito sa Meriam College at kumuha ng kursong Communication na nagtapos rin ng kaniyang master’s degree in Public Administration sa Ateneo de Manila University. Matapos nito ay agad siyang napasabak sa politika sa edad na 21-taong gulang at nagsilbi bilang Councilor ng lungsod simula taong 2013 hanggang 2016.


Image source: Instagram/mayordonyatesoro

Hindi dito natigil ang hangarin niyang makapaglingkod sa kapwa Pilipino na lubos na sumusuporta sa kaniya at umangat ang pwesto bilang Vice Mayor simula 2016 hanggang 2019.


Image source: Instagram/mayordonyatesoro

Hindi lubos maisip ni Mayor Tesoro na siya ay magiging isang Mayor ng kaniyang bayan sapagkat nangangarap lamang raw ito noon at nag-aral ng mabuti para lamang makapagtapos ng kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Subalit hindi niya inakala na sa tulong ng sipag, tiyaga at pagdadasal ay makakamit niya ang kaniyang pinapangarap.


Image source: Instagram/mayordonyatesoro


Image source: Instagram/mayordonyatesoro

“Nangarap lang talaga ako ng super taas noon. Studied well for the family. Worked hard for the people. Found my purpose earlier than expected. You can, too! Be strong and never underestimate the power of praying.”


Image source: Instagram/mayordonyatesoro

Sa kasalukuyan ay abala pa rin ang tinaguriang “millennial mayor” sa pagpapatupad ng mga batas at programa upang patuloy na umunlad ang kanilang lungsod maging ang mga taong nakatira dito. Siya ang pumalit sa dating posisyon ng kaniyang Ama na si Bening Tesoro na ngayon ay nagsisilbi rin bilang Vice Mayor ng San Manuel.


Image source: Instagram/mayordonyatesoro

Kahit na abala ito sa kaniyang tungkulin ay hindi pa rin nakakalimutan ni Mayor Tesoro na paminsan-minsan ay magrelax sa kaniyang trabaho. Hilig din kasi ni Mayor ang magpasyal sa ibang bansa at makita ang kanilang kultura upang kaniyang mapa-lawak ang kaalaman sa magandang serbisyo para sa bayan.


Image source: Instagram/mayordonyatesoro

Marami ang humahanga kay Mayor Tesoro dahil sa kaniyang angking ganda at fashion sense pagdating sa kaniyang pananamit kaya naman binansagan ito ng mga netizens na Millenial Mayor ng bayan.


Image source: Instagram/mayordonyatesoro


Image source: Instagram/mayordonyatesoro

Samantala, sa kabila ng kaniyang magagandang katangian ay nananatiling single si Mayor Tesoro sapagkat wala raw itong panahon na bigyan ng pagkakataon ang mga lalaking nanliligaw o hindi pa raw ito ready na pumasok sa isang relasyon dahil mas prioridad nito ang kaniyang sarili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *